Mga buntis sa isang lying-in clinic sa Rizal, napapa-TikTok muna bago manganak
- Viral ngayon ang video ng mga buntis na nakuha pang mag-TikTok bago manganak
- Ayon sa Lying-in Clinic kung saan sila na-admit, strategy nila iyon upang mas mapadali ang panganganak ng mga mommy
- Isa rin ito sa kanilang paraan para ma-relax ang mga buntis at hindi masyadong indahin ang sakit ng pagli-labor
- Natuwa rin naman ang mga netizens na nakakapanood ng videos ng mga buntis na tila nai-enjoy naman ang kanilang pagsasayaw
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kinagiliwan online ang mga buntis na nagagawang pa rin na mag-TikTok bago manganak.
Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa technique ng lying-in clinic sa Taytay, Rizal upang mapabilis ang pangangak ng mga buntis.
Makikitang game na game ang mga mommy sa paghataw sa iba't ibang mga TikTok dance kasabay ang mga midwife.
Sa ganitong paraan, imbis na maglakad-lakad lang ang nagli-labor na buntis, nag-eenjoy pa raw ito sa pagti-TikTok.
Samantala, maging ang mga netizens ay naaliw sa ginagawa ng mga mommy. Ang ilan, inalala pa mismo ang kanilang experience sa pagli-labor bago isilang ang kanilang mga baby.
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:
"Ang kulit ng mga mommy, hataw na hataw pa rin sa TikTok"
"Why not! Sana ngayon ako nanganak kung kailan uso na ang TikTok, sasayaw din talaga ako"
"Two more months and mukhang magandang idea ito before I give birth to my son"
"Oo nga naman, pwede TikTok, kesa maglakad-lakad. Maaliw pa ako sa pagsasayaw"
Narito ang video na ibinahagi rin ng GMA News:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Buhat nang mag-pandemya at maisailalim ang iba't ibang lugar sa bansa sa community quarantine, TikTok na ang libangan ng mga Pilipino.
Matatandaang maging ang Department of Health ay nagkaroon na rin ng TikTok videos bilang kampanya sa pagpapaala ng pag-iingat sa COVID-19.
Marami rin sa ating mga kababayan na bagaman at kakasimula pa lamang sa TikTok noong nakaraang taon ay milyon-milyon na ang followers sa ngayon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh