Jake Ejercito, umalma sa mga komento kay Ellie kung paano nito tawagin si Philmar

Jake Ejercito, umalma sa mga komento kay Ellie kung paano nito tawagin si Philmar

- Kamakailan ay ibinahagi ni Jake Ejercito ang screenshots ng pag-uusap nila ng anak na si Ellie Ejercito

- Makikita doon na ipinaalam ni Ellie sa kanyang daddy na makikita niya ng personal si Hidilyn Diaz kasama ang kanyang mommy at ang partner nitong si Philmar

- Marami sa mga netizens ang pinuna kung paanong tinawag ni Ellie ang partner ng kanyang ina

- Marami din naman sa mga netizens ang nagtanggol sa bata dahil pangkaraniwan na lamang umano ito lalo na sa ibang bansa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami ang naaliw sa nakakatuwang pag-uusap ng mag-amang Jake Ejercito at Ellie Ejercito dahil sa kanilang closeness. Gayunpaman, may mga pumuna kung paanong tinawag ni Ellie sa pangalan lamang ang partner ng mommy niya.

Jake Ejercito, umalma sa mga komento kay Ellie kung paano nito tawagin si Philmar
Jake Ejercito at Ellie Eigenmann Ejercito (@unoemilio)
Source: Instagram

May mga pumuna sa pagtawag niyang Philmar sa kanyang future step-dad base sa mensahe nito sa kanyang ama.

Read also

Mga kaibigan ni Ethel Booba, asar-talo sa kanyang revenge prank

May mensahe si Jake sa mga pumuna sa kanyang anak:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Some people really making a fuss about whom Ellie calls what. Problemahin natin kung paano patatakbuhin si Leni," sinabi ni Jake.

Marami din naman sa mga netizens ang nagtanggol sa bata dahil pangkaraniwan na lamang umano ito lalo na sa ibang bansa.

Yeah, dont mind them. Respect does not define by calling someone their first name. There is more to that. Western countries does not believe on that, but they still love and respect each other.
Huwag mo na lang pansinin ang mga nega. Basta we love your relationship with your daughter
Ignore as long as you raised a beautiful and witty baby doll

Si Jake Ejercito o Juan Emilio Ejercito sa tunay na buhay ay anak ni dating pangulong Joseph Estrada at Laarni Enriquez. SIya ang ama ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie. Kasama siya sa seryeng Marry Me Marry You. Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay Coming Home (2020), Pamilya (2018) at Mansyon (2017.)

Read also

Sharon Cuneta, naiyak noon kay Olivia Lamasan dahil sa 'Madrasta': "I'm so mad at you"

Maayos ang co-parenting nina Jake at Andi sa kabila ng pagkakaroon ng sariling pamilya ni Andi na nakatakda nang ikasal kay Philmar Alipayo na ama ng dalawang anak niya.

Kamakailan ay nabanggit ni Jake na naapektuhan si Ellie sa sigalot sa pagitan ng kanyang mga magulang noon.

Sa kasalukuyan ay maayos na ang kanilang relasyon bilang magulang kay Ellie. Sa katunayan, tinawag ni Jake na "MVP" si Andi kamakailan.

PAALALA: Ugaliing maging magalang sa pagbabahagi ng opinyon at saloobin. Ang kalayaan sa pagpapahayag ng opinton ay may limitasyon lalo na kung nalalabag na ang karapatang pantao ng kapwa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel