Bea Alonzo, pinasilip ang kanyang rehearsal para sa All Out Sunday
- Ibinahagi ni Bea Alonzo sa kanyang Instagram Sotry ang ilang pasilip sa kanyang stage rehearsal
- Ito ay para sa kanyang guesting sa Sunday noontime show ng GMA-7 na All Out Sunday
- Aniya, na-miss niyang tumuntong sa entablado at ito ang kanyang unang grand performance sa nasabing noontime show
- Samantala, bukas din mapapanood ang pag-welcome sa kakalipat lamang na Kapuso star na si Lovi Poe na nakatakdang gawin din sa katapat ng All Out Sunday na ASAP Na'tin to
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Hindi maitago ni Bea Alonzo ang kanyang excitement sa kanyang guesting sa Sunday noontime show ng GMA-7 na All Out Sunday. Sa kanyang Instagram story ay ibinahagi niya ang ilang pictures na kuha sa kanyang stage rehearsal.
Samantala, bukas din mapapanood ang pag-welcome sa kakalipat lamang na Kapuso star na si Lovi Poe na nakatakdang gawin din sa katapat ng All Out Sunday na ASAP Na'tin to.
Magiging kaabang-abang ang salpukan ng dalawang show na masusukat kung alin ang mas mag-trending sa social media.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang reaksion ng ilang mga fans ni Bea:
OMG the birthday girl is there!!! wait how to calm??? am i getting bea alonzo and rhian ramos interaction again?
Congratulations Bea & you got my support as always. Looking forward to watching your new journey with GMA network
Congratulations beautiful B! Im one of your fan who is very happy for you. Wherever you go and whatever station you choose you will do good because you’re good at what you do.
Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.
Matapos nga ang ilang araw na naging maugong ang usap-usapan ng paglipat ni Bea sa GMA-7, kinumpirma ng network ang pagiging isang ganap na Kapuso ng aktres. Nakatanggap si Bea ng mainit na pagtanggap mula sa pamunuan ng nasabing network.
PAALALA: Ugaliing maging magalang sa pagbabahagi ng opinyon at saloobin. Ang kalayaan sa pagpapahayag ng opinton ay may limitasyon lalo na kung nalalabag na ang karapatang pantao ng kapwa.
Source: KAMI.com.gh