P50 milyong halaga ng barya at mga luxury cars, nadiskubreng nakaimbak sa isang bahay sa QC

P50 milyong halaga ng barya at mga luxury cars, nadiskubreng nakaimbak sa isang bahay sa QC

- Baryang tinatayang umabot sa P50 milyong piso ang tumambad sa mga otoridad sa isang bahay sa Quezon City

- Bukod dito ay ilang mga luxury cars din ang nakaimbak sa nasabing bahay na matatagpuan sa Barangay Laging Handa, QC

- Kasama ng NBI ang Bureau of Customs (BOC) na awtorisadong inspeksyunin ang lugar matapos itong i-surveillance ng mahigit dalawang buwan

- Hindi pa masabi kung bakit naka-imbak ang pera roon pero maaring money laundering ang tinitingnang anggulo dito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matapos ang mahigit na dalawang buwan na surveillance, na-inspeksiyon na ng NBI at Bureau of Customs (BOC) ang isang bahay na kahina-hinala dahil mayroon umanong namataang 11 na luxury cars na nakaparada.

Wala din umanong plaka at conduction stickers ang mga luxury cars.

P50 milyong halaga ng barya at mga luxury cars, nadiskubreng nakaimbak sa isang bahay sa QC
What’s Up PH
Source: Facebook

Tumambad naman sa mga otoridad ang limpak-limpak na barya na tinayang nasa P50 milyong piso ang halaga.

Read also

Angeline Quinto, pinasalamatan si Dr. Vicki Belo sa pinagawa nito sa kitchen ni Angge

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon naman sa barangay, ang huling na ni-request mula sa bahay na iyon ay ang pagpapasemento. Gayunpaman, wala umanong ideya ang barangay kung paano naipon ang ganoon karaming barya sa nasabing bahay.

Pansamantla namang sinara muna ng mga awtoridad ang bahay at binigyan ng 15 araw ang mga may-ari nito para magpaliwanag tungkol sa mga barya at kotse, at patunayang hindi ito galing sa ilegal na pamamaraan.

Samantala, dumating naman ang nagpakilalang kasosyo ng may-ari umano ng mga kotse na si Felix Uy pero tumanggi siya magbigay ng paliwanag.

Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.

Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.

Read also

Manny Pacquiao, kinumpira ang pamamahagi ng tulong; nilinaw na bahagi ito ng "charity work"

Kamakailan, ilan sa mga nag-viral na video sa social media na talaga namang mainit na pinag-usapan ay ang mainit na sagutan ng isang inang namatayan ng sanggol at ng isang doktor.

Naging usap-usapan din ang isang security guard na hindi napigilang maiyak kaugnay sa kanyang hindi naibigay na sahod.

PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel