College graduate na naging promodiser, sinagot ang mga humuhusga sa kanya
- Hindi ikinahiya ng 23-anyos na college graduate ang kanyang trabaho bilang promodiser
- Sa kabila ng panghuhusga ng ilan sa kanyang trabaho, patuloy pa rin ang kanyang pagha-hanapbuhay
- Paliwanag ni Jessa Mae, sadyang mahirap na makahanap ng trabaho lalo na ngayong panahon ng pandemya
- Ang mahalaga umano para sa kanya sa ngayon ay ang makatulong sa kanyang pamilya kahit ano pa mang trabahong marangal ang kanyang pasukin
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Marami ang humanga sa 23-anyos na college graduate na si Jessa Mae Apal, na may Facebook name na Lhanglang Apal.
Nalaman ng KAMI na hindi ikinahiya ni Lhanglang ang kanyang hanapbuhay bilang isang promodiser.
Subalit, marami ang nagtataka at tila kinikwenstyon ang kanyang trabaho gayung nakapagtapos siya ng kolehiyo sa kursong Bachelor of Science in Hotel Management sa Bohol noong nakaraang taon.
Paliwanag naman ni Lhanglang, napakahirap umanong makahanap ng trabaho lalo na ngayong panahon ng pandemya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ang tanging nais niya sa ngayon ay ang kumita at makatulong sa kanyang pamilya kaya ang pagiging promodiser sa isang supermarket at pinasok na niya.
Sa isang update niya sa kanyang Facebook, nagtatrabaho na rin siya sa isang food park sa kanilang lugar na tila mas malapit na sa kanyang tinapos na kurso.
Matapos lamang daw ang pandemya at magbalik sa normal ang lahat, tutuparin niya ang kanyang pangarap na makapagtrabaho sa hotel o sa isang cruise ship.
Sa ngayon, patuloy raw siya sa pagsusumikap at isasantabi ang mga nangungutya. Ang mahalaga, produktibo siya at nakakatulong sa kanyang mga mahal sa buhay.
Kamakailan, hinangaan din ang isang balut vendor na nagawang mapagtapos ang anak sa kolehiyo. Labis naman ito ipinagpapasalamat ng anak at talagang proud sa ama na naigapang ang kanyang pag-aaral.
Hindi rin nalalayo rito ang kwento ng isang call center agent na nakapagtapos ng kolehiyo sa kabila ng pagod at puyat niya sa trabaho.
Ilan lamang sila sa mga magpapatunay na talaga namang may magandang maibubunga ang kasipagan at determinasyon kung nais na makamit ang mga minimithing pangarap sa buhay.
Magsilbing aral nawa ang kanilang mga kwento na sa kabila pa ng kinahaharap nating pandemya ay 'di dapat tayong panghinaan ng loob bagkus ay nararapat lamang na mas lalong magpakatatag at magsumikap.
Source: KAMI.com.gh