Balut vendor na matiyagang pumasok sa kolehiyo, licensed engineer na ngayon
- Marami ang bumilib sa isang balut vendor na matiyagang naglako sa loob ng limang taon para makatapos ng kolehiyo
- Mula lamang umano siya sa mahirap na pamilya kaya naisipan niyang suportahan ang sarili hanggang sa makatapos sa pag-aaral
- Binalanse niya ang oras sa kanyang munting negosyo at pag-aaral na inamin niyang hindi naging madali
- At matapos na maka-graduate sa kolehiyo, agad naman siyang nakapasa sa licensure exams at isa na ngayong ganap na licensed engineer
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Kahanga-hanga ang kwento ng kasipagan at determinasyon ng dating balut vendor na si Benny Tomas.
Nalaman ng KAMI na sa loob ng limang taon, kasabay ng kanyang pag-aaral sa kolehiyo ay naitaguyod ni Benny ang sarili sa paglalako ng balut.
Sa panayam sa kanya ng News5, naikwento niyang mahirap lamang ang kanilang pamilya. SInikap niyang papag-aralin ang sarili na hindi na umano kaya pang gawin ng kanyang mga magulang gayung siyam silang magkakapatid.
Binalanse talaga ni Benny ang kanyang oras sa kanyang munting negosyo habang nag-aaral. Nilalaan niya ang kanyang vacant period sa paghahanda ng kanyang paninda.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kumikita naman siya ng Php500 kada gabi na siyang pinangtustos niya sa kanyang mga pangangailangan.
Aminado si Benny na hindi ito naging madali lalo na at sumabay pa ang pandemya sa huling taon niya sa kolehiyo.
Subalit sa kanyang determinasyon at pananalig sa Diyos, napagtagumpayan niya ito. Matapos na maka-graduate, agad naman siyang pumasa sa licensure exam kaya naman isa na ngayon siyang ganap na licensed engineer.
"Magtiyaga lang kayo, mahirap talaga ang buhay. Pero 'pag may tiyaga, makakamit mo 'yungpangarap mo," payo ni Benny.
Kamakailan ay humanga rin ang marami sa jeepney driver na nakapagtapos ng kolehiyo.
Sinikap talaga niyang mapagsabay ang pag-aaral at pamamasada dahil ayaw na niyang pahirapan ang kanyang mga magulang para sa gastusin niya sa pag-aaral.
Hindi naman siya nabigo dahil nakamit niya na niya ang isa sa kanyang mga pinapangarap sa buhay at ito ay ang makatapos ng pag-aaral.
Umani rin ng papuri online ang ang nag-viral na masipag na delivery rider na nakapagtapos ng kolehiyo habang patuloy sa kanyang hanapbuhay.
Source: KAMI.com.gh