Raffy Tulfo, inaming kinampanya at binoto si Pangulong Rodrigo Duterte

Raffy Tulfo, inaming kinampanya at binoto si Pangulong Rodrigo Duterte

- Naglabas na ng pahayag ni Raffy Tulfo kaugnay sa ilang mga 'misinformation' umano tungkol sa kanya

- Ikalawa ay ang nabanggit umano niyang 16 million at 42 million na bilang umano ng mga supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang mga subscribers ng ABS-CBN

- Binigyang linaw niya ang pahayag na ito lalo na at ilan sa kanyang mga kaibigang sumusuporta kay Duterte ay nagpahayag umano ng pagka-dismaya sa kanyang sinabi

- Inamin din niyang isa siya sa mga bumoto at nagkampanya para kay Pangulong Duterte

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naglaan ng oras si Raffy Tulfo upang bigyang linaw ang ilan sa mga umano'y misinformation tungkol sa kanya kamakailan.

Nalaman ng KAMI na isa rito ay ang paglilinaw niya na walang katotohanan ang bali-balitang tatakbo siya bilang bise presidente ng bansa. Ito ay dahil sa mataas umano ang kanyang respeto kay Pangulong Rodrigo Duterte na matunog na tatakbong VP sa Halalang 2022.

Read also

Manny Pacquiao, kinumpira ang pamamahagi ng tulong; nilinaw na bahagi ito ng "charity work"

Raffy Tulfo, inaming kinampanya at binoto si Pangulong Rodrigo Duterte
Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Sumunod na nilinaw ni Tulfo ay ang nasabi niya tungkol sa 43 million at 16 million na mga subribers ni Duterte at ng ABS-CBN.

"'Yes nabanggit ko po 'yung 42 million. But, hindi ko po subscribers 'yun. Wala po akong 42 million subscribers. Saan nanggaling 'yun? Because at that time, I thought, 42 million ang subscribers ng entertainment," paliwanag ni Tulfo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngunit ayon kay Tulfo, na-correct na niya ito sa sumunod na segment gayung 36 million at hindi 42 million ang subscribers ng ABS-CBN.

"Bubuksan ba ang ABS-CBN o hindi, magka-clash 'yung 36 million subscribers ng ABS-CBN versus 16 million na voters na bumoto kay President Duterte," ang naging kontrobersyal na pahayag ni Tulfo dahilan umano para umalma maging ang kanyang malalapit na kaibigan na supporters ng kasalukuyang pangulo ng bansa.

Read also

RR Enriquez, pinayuhan si Lolit Solis matapos ang kontrobersiyal na post nito

"Marami po akong mga kaibigan na nagsitawagan sa akin nabulabog po sila"
"These people are certified die-hard Duterte supporters and nagtampo sila sa akin. And I explained to them mga pare ko, misinformation po 'yang mga nabasa niyo sa social media"

Matapos ang kanyang pagpapaliwanag, aminado si Tulfo na nag-sorry siya sa mga kaibigang ito na agad naman umanong naka-move on sa naging issue.

"I mean no disrespect sa 16 million voters ni Pangulong Duterte. Dahil isa po ako sa 16 million na bumoto kay Pangulong Duterte."Ang pag-amin ni Tulfo.

"In fact, Ito pong mikroponong ito, dito po sa Wanted sa Radyo, kinampanya ko po si Pangulong Duterte," ang paglilinaw ni Tulfo na nakiusap din na huwag nang magpakalat umano ng fake news para umano sa ikabubuti ng bayan.

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikan at respetadong broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Read also

Karen Davila, nagka-blooper kaagad sa unang araw niya sa TV Patrol

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 22.1 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica