Toni Fowler, naiyak sa paghingi ng sorry ni Rob Moya sa anak na si Tyronia Fowler

Toni Fowler, naiyak sa paghingi ng sorry ni Rob Moya sa anak na si Tyronia Fowler

- Hindi napigilang maging emosyonal ni Rob Moya nang magkaharap sila ni Tyronia Fowler

- Dito ay nagbigay siya ng paliwanag at humingi ng dispensa na nasaktan niya ang batang tinuring niyang sarili niyang anak

- Maging si Toni ay naiyak na makitang magkayakap sina Rob at Tyronia pagkatapos ng paghingi ng tawad ni Rob

- Ayon kay Toni, kinausap niya ng masinsinan ang anak upang ipa-intindi ang kanilang sitwasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi napigilang maging emosyonal ni Rob Moya sa paghingi niya ng tawad kay Tyronia Fowler na itinuring niyang sarili niyang anak lalo noong magkasama pa sila ni Toni bilang magkarelasyon.

Toni Fowler, naiyak sa paghingi ng sorry ni Rob Moya sa anak na si Tyronia Fowler
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Pinaliwanag ni Rob na hindi niya ginusto at hindi niya sadyang masaktan si Tyronia sa naging gulo nila ni Toni nang magkahiwalay sila.

Maging si Toni ay naiyak nang makitang magkayakap ang dalawa pagkatapos ang paghingi ng tawad ni Rob.

Read also

Rob Moya, nakaharap na sina Tatay Elon at Tito Vince sa ToRo Condo

Ayon kay Toni, kinausap niya ng masinsinan ang anak upang ipa-intindi ang kanilang sitwasyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, narito ang reaksiyon ng mga netizens:

I cried. I felt the apology of Daddy Rob to Tyronia. Grabe talaga ang iyak ko. To Toro Fam and Mommy Oni, keep showing that kind of love, that's RARE. Godbless y'all!!.
Naiyak talaga ako sa part na nag uusap si daddy Rob at tyronia napaka bait na Bata ni tyronia nakakaunawa
Grabe yung iyak ko dito Nakakatuwa na kitang kita sa family na to ang Love and Forgiveness ❤️ Sobrang sakit para kay Mommy Oni pero ramdam ko yung Happiness niya na masaya na yung taong mahal niya ..eto yung totoong pagmamahal ❤️ I'm so proud of you Mommy Oni sa pagiging strong at napaka totoong tao mo .. God Bless Rob & Jen ☺️ Napakabuting bata ni Tyronia dahil napakabuti ng mga ngpalaki sknya

Read also

Gigi de Lana, hindi napigilang maiyak matapos amining heartbroken siya

Sumikat nang husto si Toni Fowler matapos masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina Jelai Andres at Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Gayunpaman, nilinaw ni Vince na hindi siya mapapagod at susuko na maghintay kung kailan magiging handa si Toni na pumasok sa isang relasyon matapos silang magkahiwalay ni Rob.

Nabanggit din kamakailan ni Toni ang tungkol sa pagkakapatawaran nila ng tunay na ama ni Tyronia na tinatawag nilang Tatay Elon.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel