Super Tekla, humingi ng panalangin para kay baby Angelo na tinamaan ng COVID-19

Super Tekla, humingi ng panalangin para kay baby Angelo na tinamaan ng COVID-19

- Humingi ng panalangin si Super Tekla para sa paggaling ng kanyang bunsong anak

- Naibahagi niyang tinamaan ng COVID-19 ang anak na si Baby Angelo kahit anong ingat nila

- Mababakas ang pagkabalisa ni Tekla sa kanyang post na masasabing labis na nag-aalala para sa anak

- Matatandaang nabanggit kamakailan ng dating partner ni Tekla na si Michelle Banaag ang patuloy na gamutan ng anak nilang si Angelo na mayroong karamdaman

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dasal ang hiling ni Super Tekla sa bawat isa ngayon para sa kanyang pinakamamahal na anak na si Baby Angelo.

Nalaman ng KAMI na ibinahagi ni Tekla na tinamaan umano ng COVID-19 ang anak na kasalukuyang nasa Quezon City General hospital.

Sa kanyang Facebook post noong Setyembre 23, mababakas ang pagkabalisa ni Super Tekla sa sinapit ng anak.

Read also

Jomar Lovena, binahagi ang video na "face reveal" ng anak niyang si Baby Sety

Super Tekla, humingi ng panalangin para kay baby Angelo na tinamaan ng COVID-19
Super Tekla (Photo credit: Super Teklah Librada)
Source: Facebook

"Kahit anong ingat. Need your prayers for Angelo confined, QCGH COVID," bahagi ng post ni tekla na may kasamang crying emoji.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Labis siyang nag-aalala ngayon para sa anak na matatandaang mayroon nang problema sa kalusugan. Matatandaang nabanggit din kamakailan ng dati niyang kinakasama na si Michelle Banaag na patuloy pa rin ang gamutan ni Baby Angelo sa kondisyon nito.

"Ama diko Alam ang gagawin kayo nang Bhala Kay ANGGE," dagdag pa ni Tekla sa kanyang post.

Si Super Tekla ay isa sa kilalang komedyante ng GMA 7. Sumikat siya dahil sa kanilang programang "The Boobay and Tekla Show" (TBATS) at kasalukuyan din siyang namamayagpag bilang isang YouTuber kasama ng matalik niyang kaibigan na si Donita Nose sa kanilang channel na Donekla in Tandem na mayroon nang halos 3 million subscribers.

Read also

Dating OFW na sinuwerte sa amo, pinamanahan pa siya ng milyon-milyong salapi

Matatandaang gumawa ng ingay si Tekla noong nakaraang taon dahil sa mga naisiwalat ng kanyang dating live-in partner na si Michelle Banaag tungkol sa kanya na umabot pa sa programa ni Raffy Tulfo.

Subalit matapos ang isang taon, naisa-ere sa YouTube channel nila ni Donita Nose ang paghingi ng tawad ni Michelle maging sa publiko.

Matapos unang maisa-ere ang naturang panayam, nilinaw na ng dalawang komedyante na hindi nangangahulugang magkakabalikan pa sina Tekla at Michelle.

Ginawa lamang daw nila ang panayam upang mabigyan ng pagkakataong makahingi ng tawad si Michelle sa publiko sa iskandalo umano na nagawa nito.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel