Mariel Padilla, nawindang nang unang malamang may baril ang kanyang biyenan

Mariel Padilla, nawindang nang unang malamang may baril ang kanyang biyenan

- Ipinakita ni Mariel Padilla ang kanyang koleksiyon ng mga baril na aniya ay nagsimula nang regaluhan siya ng asawang si Robin Padilla ng isang hand gun

- Ikinawindang niya umano nang unang marinig sa kanyang biyenan na mayroon itong sariling baril

- Nilinaw din niya na ang kanyang koleksiyon ay para lamang sa collection purpose at self defense

- Hindi umano niya pinopromote o binebenta ang kanyang mga baril at ang lahat ng nasa kanyang koleksiyon ay dumaan sa legal na proseso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bilang kilala sa pagiging kikay at fashionista, marami ang nagulat na may koleksiyon din pala ng mga baril si Mariel Padilla. Nagsimula umano ang kanyang koleksiyon nang niregaluhan siya ni Robin ng isang handgun.

Mariel Padilla, nawindang nang unang malamang may baril ang kanyang biyenan
Photo from Mariel Padilla (@marieltpadilla)
Source: Instagram

Ikinagulat niya umano nang una niyang marinig sa kanyang biyenan na nagsabi kay Robin na parang kailangan nang lagyan ng langis ang kanyang shotgun.

Read also

Jeric Raval, naalibadbaran sa suot niyang bra, stiletto at leggings sa bagong pelikula

Kinalaunan ay naimpluwensiyahan na rin siya at nagkaroon ng kanyang koleksiyon ng mga baril na may mga legal na papeles at lisensiya.

Nilinaw din niya na ang kanyang koleksiyon ay para lamang sa collection purpose at self defense.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa-isa niyang pinakita ang nasa kanyang koleksiyon at ibinahagi niya ang mga feature ng mga baril niya pati na ang kwento sa likod ng kanyang koleksiyon.

Narito naman ang paalala ni Mariel:

DISCLAIMER: Any firearms shown in this video are for collection purpose only. This video is not intended to promote or sell firearms. All firearms and related gear are legally possessed and are handled with the utmost care.

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India.

Read also

Jomar Lovena, binahagi ang video na "face reveal" ng anak niyang si Baby Sety

Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Kinabiliban ang mag-asawa dahil sa magandang pakikitungo nila sa kanilang mga kasambahay. Sa katunayan ay pinagawaan pa nila ito ng libreng pabahay.

PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel