Ina na binigyan ng ₱1 million ng kanyang anak, makakatanggap din ng house and lot

Ina na binigyan ng ₱1 million ng kanyang anak, makakatanggap din ng house and lot

- Tatanggap din ng house and lot ang ina na nag-viral dahil sa isang milyon pisong binigay ng kanyang anak

- Parang nanalo umano sa lotto ang ina hindi lamang malaking halaga ng salapi ang natanggap kundi pati narin ang ipinapagawang bahay ng anak

- Ang mapagbigay na anak, kahanga-hangang naipon lamang ang pera ngayong pandemya

- Sinuwerte kasi ito sa Skin Care business na kanyang napayabong kaya naman naibabahagi na niya ang biyaya hindi lamang sa ina kundi pati na rin sa kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang napa-sana all kay Nanay Lolità nang mag-viral ito dahil sa regalong ₱1 million mula sa kanyang anak na si Lou.

Nalaman ng KAMI na hindi lamang ang limpak-limpak na salapi ang tinanggap ni Nanay Lolità dahil may plano na ang ipatatayong bahay ng anak niya para sa kanya.

Read also

Angeline Quinto, pinasalamatan si Dr. Vicki Belo sa pinagawa nito sa kitchen ni Angge

Ina na binigyan ng ₱1 million ng kanyang anak, makakatanggap din ng house and lot
Philippine peso
Source: UGC

Halos hindi makapanila ang ina sa mga biyayang kanyang natanggap sa kanyang kaarawan.

Lalo na at aminado silang nagdaan noon sa matinding hirap at maraming pagsubok sa buhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Subalit si Lou, determinado talaga sa pag-abot ng mga pangarap.

Sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho, ibinahagi niya ang kanyang naisulat ng 'Life goals' na ngayo'y halos natupad na niya lahat.

Ito ay dahil lamang sa napayabong niya ang Skin Care business na sinimulan lamang niya ngayong pandemya.

Sa paglago ng negosyo, nag-iipon din siya ng pera kaya naman malaki-laki ang naibigay niya sa ina sa kaarawan nito.

"Ang pera kasi kikitain mo, pero ang kaligayahan ng isang ina hindi mo masusuklian ng kahit anong bagay"

Isa ang programa ng broadcast journalist na si Jessica Soho sa mga pinakaaabangan ng mga Pinoy linggo-linggo.

Read also

Dating OFW na sinuwerte sa amo, pinamanahan pa siya ng milyon-milyong salapi

Isa sa mga naitampok sa naturang programa ang buwis-buhay na pagtawid ng mga guro sa ilog makapaghatid lamang ng mga learning modules sa kanilang mga estudyante.

Tinutukan din ang kwento ng batang nag-aararo na sa mura niyang edad na natulungan naman ng marami buhat nang maibahagi sa KMJS ang kanyang kwento.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica