Graduating student, inialay ang thesis sa puntod ng research partner na pumanaw na
- Inialay ng isang graduating student ang kanyang research paper sa yumaong thesis partner
- Hindi na kasi naabutan ng thesis partner na mapa-hardbound ang kanilang nagawa sa biglaang pagpanaw nito
- Tumatayong 'nanay' ng klase ang namayapang thesis partner na isang lady guard din ng kanilang paaralan
- Pinaghirapan umano nila ang kanilang research paper kaya naman dinala pa rin ito ng estudyante sa yumaong kaklase
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Umantig sa puso ng maraming netizens ang post ng graduating student na si Jellosan Pablico Jalea patungkol sa kanyang thesis partner na si Elvie Villanel.
Nalaman ng KAMI na pumanaw ang 37-anyos na si Elvie bago pa man ang pinapangarap nitong graduation sa kolehiyo.
Sa post ni Jellosan, makikitang sinadya pa niya ang puntod ng kanyang thesis partner para ipakitang napa-hardbound na niya ang kanilang pinaghirapan.
Inialay niya talaga ang research paper nilang iyon kay Elvie at talagang pinagtulungan nila itong matapos.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa ulat ng Philippine Star, lady guard si Elvie ng pinapasukan din niyang paaralan sa Davao City.
Dahil dito, siya rin ang tumatayong 'nanay' ng kanilang klase at labis siyang kinagigiliwan ng kanyang mga kamag-aral.
Kwento pa ni Jellosan, mabait, masayahin at masipag ang kanilang Ate Elvie.
Natatrabaho ito sa umaga at gabi naman, nilalaan niya ang kanyang oras sa pag-aaral dahil determinado itong makapagtapos ng kolehiyo.
Subalit hindi na ito mangyayari dahil sa mapait na sinapit nito sa kamay ng kinakasama dahilan para bawian siya ng buhay ayon sa GMA News.
Gayunpaman, itinuloy pa rin ni Jello ang kanilang research paper na sumisimbolo ng paghihirap at pagsusumikap ng kanilang ate Elvie kahit hindi na nito nakamit ang pangarap na college diploma.
Kahanga-hanga ang mga working student na sa kabila ng kanilang paghahanapbuhay, pinagsusumikapan talaga nilang makapagtapos sa pag-aaral.
Matatandaang minsan na ring naiulat ng KAMI ang tungkol sa isang lalaki na nakatapos ng kolehiyo dahil sa pagiging jeepney driver. Napagtiyagaan niya ang mamasada at pumasok pa rin sa paaralan hanggang siya ay makatapos.
Napakalaking bagay umano ng desisyong ito para sa kanya lalo na at hindi biro ang pamamasada ngunit napagtagumpayan niya ito.
Hindi rin nalalayo rito ang kwento ng isang delivery rider na kamakailan ay nakapagtapos din sa kolehiyo habang siya ay rumaraket ng pagde-deliver.
Source: KAMI.com.gh