AJ Raval, napa-post ng "I'm done goodbye" sa gitna ng kinasangkutang isyu

AJ Raval, napa-post ng "I'm done goodbye" sa gitna ng kinasangkutang isyu

- Hindi nakaligtas sa mga netizens ang post ni AJ Raval sa Facebook kung saan tila naglabas siya ng sama ng loob

- Marami ang naintriga sa kanyang post sa kanyang Facebook page na nagsasabing "I'm done goodbye"

- Gayunpaman, agad niya rin itong binura ngunit marami sa mga netizens ang nakapag-screenshot na nito

- Naging palaisipan sa marami kung para kanino ba ang mensaheng iyon ni AJ

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa gitna ng pagkakadawit niya sa isyu ng mag-asawang Aljur ABrenica at Kylie Padilla, isang nakakaintrigang Facebook status ang ibinahagi ni AJ Raval. Marami ang naintriga sa kanyang post sa kanyang Facebook page na nagsasabing "I'm done goodbye".

AJ Raval, napa-post ng "I'm done goodbye" sa gitna ng kinasangkutang isyu
AJ Raval (@ajravsss)
Source: Instagram

Ilang oras pa lamang ang nakakalipas mula nang ipost ang nasabing status ay kaagad din itong binura ng aktres. Gayunpaman, agad niya rin itong binura ngunit marami sa mga netizens ang nakapag-screenshot na nito. Naging palaisipan sa marami kung para kanino ba ang mensaheng iyon ni AJ.

Read also

Jeric Raval, naalibadbaran sa suot niyang bra, stiletto at leggings sa bagong pelikula

Kasunod ng paglabas ng mga pictures nila ni Aljur kung saan makikitang magkahawak-kamay pa sila, dumagdag pa ang naging pasaring ng kanyang ex-boyfriend na si Axel Torres.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi din ito pinalampas ni AJ at ibinahagi niya ring ang kanyang panig upang ipagtanggol ang kanyang sarili. Maging ang ilang fans ni Donnalyn Bartolome ay may patutsada din sa kanya kaugnay sa naging vlog nilang magkasama.

Sinabi man ni Kylie na ayos lang sa kanyang makipagdate sa iba si Aljur, nabaling pa rin ang pambabatikos kay AJ.

Ang aktres na si AJ Raval ay anak ng dating matinee idol na si Jeric Raval sa dating actress na si Alyssa Alvarez. Unang nakilala si AJ sa kontrobersyal na pelikulang Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar ni Direk Darryl Yap.

Read also

Rico Blanco, nag-reply sa fan na pinuna ang kanyang pananamit

Kamakailan ay pinakita ni AJ Raval ang kanyang silid sa pamamagitan ng isang virtual tour na umani ng mahigit isang milyong views.

Hindi naman nagustuhan ng ama ni AJ ang kanyang daring na picture na kanyang ibinahagi sa Instagram.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel