Madam Inutz, namahagi ng 'pang-chicha': "Me Pa-Gcash ang madam niyo"

Madam Inutz, namahagi ng 'pang-chicha': "Me Pa-Gcash ang madam niyo"

- Muling nag-live selling si Madam Inutz ngayong Setyembre 14 para makipagkumustahan sa mga "Inutil"

- Kung dati, humihirit siya ng mga magma-mine sa kanyang paninda para mayroon siyang pang-chicha, ngayon, siya na ang namigay

- Si Madam Inutz na ang namahagi ng pa-Gcash sa mga masuswerteng tumambay sa kanyang live

- Hinangaan ng marami si Madam Inutz dahil sa marunong umano itong magbahagi ngayong siya naman ang nagtatamasa ng biyaya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Muling nagbalik sa kanyang pagla-live selling si Madam Inutz at nakipagkumustahan sa kanyang mga "Inutil" na matagal-tagal na rin siyang na-miss.

Nalaman ng KAMI na 'iba' na ang live selling ni Madam Inutz ngayon dahil siya na ang namimigay ng pa-premyo sa mga masuswerteng manonood niya.

Ilang oras bago ang kanyang live, nag-post si Madam Inutz at sinabing may pa-GCash umano siya sa kanyang pagla-live ngayong Setyembre 14 ng hapon.

Read also

Kainan sa America na may 'karinderya feels,' binabalik-balikan kahit ng ibang lahi

Madam Inutz, namahagi ng biyaya: "Me Pa-Gcash ang madam niyo"
Madam Inutz (Photo credit: Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

"Alam kong na-miss niyo live kulitan kantahan at tagayan natin mga inutil!!!! Live tayo 3pm at me pa-Gcash ang madam niyo," ang bahagi ng post ni Madam Inutz.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kung dati, siya ang humihirit ng 'pang-chicha' dahil walang nagma-mine sa kanyang mga viewers na tumatambay lang sa kanyang live, ngayon, siya na mismo ang namamahagi ng biyaya.

Dahil dito, hinangaan ng marami ang kabutihan ni Madam Inutz dahil marunong itong magbahagi ng tinatamasang ginhawa.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Very Good Madam Inutz. Ikaw naman ang namimigay ng pang-chicha"
"Kaya gusto ko si Madam e, totoong tao na, marunong pang mag-share ng blessings"
"Mabuti siyang tao kaya siya sinuwerte ngayon tapos share niya agad ang blessings. Grabe pong bait niyo Madam"
"Kahit kung ano-ano ang nasasabi niya pero grabe naman ang kanyang kabutihan. Siya na ngayon ang nagsi-share ng pang-chicha"

Read also

Vlogger Whamos Cruz, ipapa-lie detector test ni Raffy Tulfo

Agad na nakilala ng publiko si Daisy Lopez o mas kilala bilang si 'Madam Inutz' ng 'Daisy_licious Ukay' dahil sa viral live selling niya na pumalo ng 15,000 ang viewers ngunit wala raw umanong nagma-mine.

Isa rin sa mga kinagiliwan sa kanya ay nang magsukat siya ng damit na aniya'y pamburol at umaktong tila kabaong na lamang daw ang kulang sa kanya.

Nitong Agosto 19, magkasamang nag-Facebook live sina Madam Inutz at ang kanya na ngayong manager na si Wilbert Tolentino upang ibahagi ang kanilang contract signing.

Isinapubliko rin agad nila ang mga proyektong nakahain na para gawin ni Madam Inutz at isa na rito ang lalabas niyang debut single na may pamagat na "Inutil."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel