Daddy Bonoy, Mommy Pinty at Uncle Jojo, kumasa sa Chubby Bunny challenge

Daddy Bonoy, Mommy Pinty at Uncle Jojo, kumasa sa Chubby Bunny challenge

- Kinaaliwan ng mga netizens ang panibagong video sa YouTube Channel nina Daddy Bonoy at Mommy Pinty na BoPin Channel

- Kumasa sila sa Chubby Bunny Challenge na dati na rin nilang nagawa kasama si Alex Gonzaga

- Kasama din nila ang kapatid ni Mommy Pinty na kilala ng publiko bilang si Uncle Jojo

- Si Daddy Bonoy ang nagwagi sa kanilang tatlo sa nasabing challenge na dati nang nauso sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Base sa mga komento at reaksiyon ng mga netizens sa bagong video na binahagi nila Mommy Pinty at Daddy Bonoy sa kanilang YouTube channel, marami ang naaliw at natuwa sa kanila.

Kasama si Uncle Jojo, kumasa sila sa Chubby Bunny Challenge." Sa challenge na ito ay magsasalitan ang mga kasali na maglagay ng marsh mallow sa kanilang bibig at magsasabi ng "Chubby Bunny."

Read also

Toni Gonzaga, trending sa Twitter dahil umano sa interview niya kay Bongbong Marcos

Daddy Bonoy, Mommy Pinty at Uncle Jojo, kumasa sa Chubby Bunny challenge
Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Ang taong matitira na may pinakamaraming nailagay na marsh mallow sa bibig ang siyang tatanghaling panalo.

Sa kanilang tatlo, si Uncle Jojo ang unang natanggal na sinundan ni Mommy Pinty.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, si Daddy Bonoy ay kinaya pang magdagdag ng apat na marsh mallow matapos matanggal ni mommy Pinty.

Narito ang reaksiyon ng mga netizens:

I was laughing the whole vlog. Iba Ang sense of humor ni Daddy Bonoy. Wating for the next vlog
Ang funny ni Uncle Jojo.I'm always happy seeing him in bopin's vlog.Mommy Pinty and Daddy Bonoy,continue to upload more videos to make us happy.
Sobrang nakakatawa without trying talaga! Can't wait for Luis to join! Haha!

Sina Daddy Bonoy at Mommy Pinty ay mas sumikat nang magkaroon ng YouTube channel ang anak nilang si Alex Gonzaga na siyang nagtulak at nagkumbinsi sa kanila na pasukin na rin ang vlogging.

Read also

Heaven Peralejo, pinakita ang behind-the-scenes ng kanyang ginawang recording

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 11 million na subscribers sa kasalukuyan.

Naibahagi kamakailan ni Alex ang kanyang karanasang mahablutan ng cellphone habang nasa EDSA. Nabawi naman niya ang kanyang telepono.

Samantala, kamakailan ay naging usap-usapan ang pagbigay ni Alex ng isang motorsiklo sa isang 12-anyos na bata na isang Valedictorian.

Kagaya ng laging paalala namin dito sa KAMI, ugaliing maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon. Laging isaisip na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng opinyon ay ang pananagutan sa bawat salitang maaring makakasira sa imahe ng ibang tao.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel