Buboy Villar, sinorpresa ang mga anak sa kaarawan ng panganay niyang si Vlanz

Buboy Villar, sinorpresa ang mga anak sa kaarawan ng panganay niyang si Vlanz

- Sinorpresa ni Buboy Villar ang dalawang anak na halos magkasabay lang ang kaarawan

- Pinuntahan niya ang mga ito sa bahay ng mga foster parents ni Angillyn Gorens at dinala ang kanyang mga sorpresa

- Samantala, hindi kinaligtaan ni Buboy na tawagan si Angillyn upang makausap nito ang kanilang mga anak

- Naibahagi ni Buboy na madalas siyang nagpapadala ng mga pictures at videos ng kanilang mga anak kay Angillyn

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muling hinangaan ng mga netizens ang pagiging responsable at mapagmahal na ama ni Buboy Villar nang ibahagi nito ang isang video kung paano nila pinagdiwang ang kaarawan ng kanyang mga anak na sina George at Vlanz.

Buboy Villar, ibinahagi ang kanyang sorpresa para sa kaarawan ng anak
Buboy Villar (@buboyvillar)
Source: Instagram

Bukod sa mga pagkain ay binigyan niya ng bisekleta ang dalawang bata na tuwang-tuwa sa regalo ng kanilang papa.

Hindi naman kinaligtaan ni Buboy na tawagan si Angillyn habang naglalaro ang kanilang mga anak. Kitang-kita sa mukha ni Angillyn ang kagalakan na masilayan ang kanilang mga anak.

Read also

Kainan sa America na may 'karinderya feels,' binabalik-balikan kahit ng ibang lahi

Samantala, nabanggit din ni Buboy na palagi silang nagkakausap ni Angillyn at palagi siyang nag-uupdate kaugnay sa kalagayan ng kanilang mga anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kinabiliban din ng marami ang kanilang maayos na relasyon sa kabila ng kanilang paghihiwalay.

Ganyan dapat mahkaibigan kahit hiwalay para sa mga bata. Ganda ng samahan nila kahit hiwalay.
Ang saya cguro dto sa mundo kung ganeto lahat ng lalaki.Grabe saludo ako sa batang eto kung tutuusin may kaya c Angillyn pero tuloy parin ung financial support sa mga anak.
Bok tama ang gingwa mo obligasyon mo sa mga anak

Si Buboy Villar ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang mag audition siya sa Little Big Star. Naging bahagi siya ng teleseryeng Dyesebel noong 2008.

Ilan sa mga pelikulang naging bahagi siya ay Supahpapalicious, Shake, Rattle & Roll X, Ang Panday, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Darna, at Panday Kids.

Read also

Rob Moya, masayang ibinahagi ang picture ng babaeng nagpapasaya sa kanyang puso

Taong 2016 nang maging magkarelasyon si Buboy at ang ina ng kanyang dalawang anak na si Angillyn Gorens. Nagsama sila sa isang bubong taong 2017.

Taong 2017 naman pinanganak ni Angillyn ang kanilang panganay na anak. Engaged na sila noon at nagbabalak na magpakasal sa US ngunit nito lamang 2020 nang aminin nilang nagkahiwalay sila.

Nitong nakaraang Mother's Day ay hindi kinaligtaang batiin ni Buboy si Angillyn.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel