Php20,000 na binibigay sa nangangalakal, muntik niyang tanggihan para makatulong sa iba

Php20,000 na binibigay sa nangangalakal, muntik niyang tanggihan para makatulong sa iba

- Kahanga-hanga ang isang lalaking nangangalakal na naisip pang tumanggi sa tulong na ibinibigay sa kanya ni Virgelyn ng YouTube channel na Virgelyncares 2.0

- Madalas umano itong makita ni Virgelyn sa kalsada katabi ang kanyang kariton

- Agad namang nag-abot ng tulong ang vlogger upang makauwi na ang lalaki sa Quezon

- Ngunit nagdalawang isip pa muna ito na mas gusto pang matulungan ang dati niyang kapitbahay na pilay at may apat na anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang lalaking pawang pangangalakal ang ikinabubuhay ang natulungan ng vlogger na si Virgelyn ng Virgelyncares 2.0.

Nalaman ng KAMI na madalas umanong makita ni Virgelyn ang lalaki na nananatili lamang sa kalsada katabi ang kanyang kariton.

Kahit daw kasi malakas ang ulan ay wala itong ibang tinatakbuhan kundi ang kanyang kariton.

Php20,000 na binibigay sa nangangalakal, muntik na niyang tanggihan para makatulong sa iba
Photo credit: Virgelyncares 2.0 YouTube channel
Source: Facebook

Nang usisain ng vlogger ang lalaki, mag-isa lamang itong namumuhay. Nasa Infanta, Quezon ang kapatid nito at dahil sa pandemya, hindi raw siya makauwi basta roon.

Read also

Baron Geisler, inspirasyon ang asawa't anak sa pagbabagong buhay

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naikwento niyang limang taon na siyang nangangalakal. Galing pa raw siya noon ng Maynila at naglakad umano ito patungong Bicol kung nasaan siya ngayon.

Nairaraos niya ang maghapon dahil sa pangangalakal. Katunayan puno pa ng mga bote ang kanyang kariton na siya na rin niyang tinatambakan ng gamit gaya ng damit at lutuan.

Kaya naman hindi na nagdalawang-isip pa si Virgelyn na tulungan ang lalaki.

Subalit hindi ito basta pumayag. Naisip pa umano niya na mas mainam daw sanang ibigay na lamang ang tulong na iyon sa dati niyang kapitbahay na pilay na apat na binubuhay na mga anak.

Doon mas labis na humanga ang vlogger sa kanya kaya naman kinumbinsi niya itong tanggapin ang Php20,000 na kitang-kita naman na kailangan din talaga ng lalaki.

Bago matapos ang video, ipinakitang tinanggap na rin ito ng lalaki para na rin siyang makauwi sa kapatid para doon makapagtayo ng munting negosyo at makapagsimula muli sa buhay.

Read also

Kapatid ng girlfriend ni Whamos, sinabing nasaksihan ang pang-aabuso sa kapatid

Si Marco Rodriguez o mas kilala bilang si Virgelyn ng 'Virgelyncares 2.0' ay isang vlogger sa Bicol na ang pangunahing laman ng kanyang mga video ay ang pagtulong sa kapwa. Dahil din sa mga subscribers niya ng mga overseas Filipino workers o OFW, lalong dumarami ang kanyang mga natutulungan.

Si Virgelyn ang naging daan upang makita ng publiko ang kalagayan ngayon ng dating artista na si Mura.

Dahil din dito, napuntahan ito ng kanyang kaibigan at partner sa mga palabas sa telebisyon na si "Mahal" ilang linggo bago ito pumanaw nitong Agosto 31.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica