Manager ni Madam Inutz, na-pm ni Buknoy Glamurrr: "Baka mamaya ako awayin ng mga tao"

Manager ni Madam Inutz, na-pm ni Buknoy Glamurrr: "Baka mamaya ako awayin ng mga tao"

- Naikwento ni Wilbert Tolentino na na-pm siya ng young influencer na si Buknoy Glamurrr

- Sa challenge sa kanya ni Tita Jegs, isa si Buknoy sa naitanong kay Wil kung 'kukupkupin o tatablahin' niya ito

- Ayon kay Wilbert, minabuti niyang tanggihan si Buknoy sa takot na baka siya na rin umano ang awayin ng mga tao

- Gayunpaman, sinabi niyang mas mainam na maging advisor na lamang siya ni Buknoy at handa naman siyang payuhan ito anumang oras na siya'y kailanganin nito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa challenge ni Tita Jegs kay Wilbert Tolentino na 'kukupkupin o tatablahin', naikwento ng manager ni Madam Inutz na nag-pm din sa kanya ang naging kontrobersyal na young influencer na si Buknoy Glamurrr.

Nalaman ng KAMI na humingi umano ng tulong si Buknoy kay 'Sir Wilbert' para sana maging manager nito.

Read also

Vlogger Whamos Cruz, ipapa-lie detector test ni Raffy Tulfo

Manager ni Madam Inutz, na-pm ni Buknoy Glamurrr: "Baka mamaya ako awayin ng mga tao"
Photo Buknoy Glamurrr
Source: Facebook

Paglilinaw ni Wilbert, magalang naman ang kilala ring YouTuber na ito bago pa man magsulputan ang mga kinasangkutan nitong issue.

"In fairness naman sa batang 'yan, bago pa man siya nagkakaroon ng mga issues, magalang naman siya sa akin"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Subalit sa challenge ni Tita Jegs, 'tatablahin' daw ni Wilbert si Buknoy sa takot na baka sa kanya umano mapunta ang mga issue ni Buknoy.

"Tatablahin ko baka sa akin mapunta ang mga issue, pero ang hirap mamaya ako naman ang awayin ng mga tao... Tatablahin kita anak, pero alam kong wala naman tayong sama ng loob."

Sinabi rin ni Wilbert na mas mainam na maging advisor na lamang siya ni Buknoy at handa naman daw siyang bigyan ng payo ang young influencer.

Matatandaang kamakailan lamang ay inanunsyo ng Star Image na wala na sa pangangalaga nila si Buknoy Glamurrr.

Read also

Rudy Baldwin at Ed Caluag, 'di raw kukupkupin ni Wilbert Tolentino: "Walang peace of mind"

Si Wilbert Ting Tolentino ay isang Chinese-Filipino na negosyante sa bansa. Makikita ang kanyang pagiging philanthropist sa kanyang mga vlogs sa kanyang YouTube channel na hindi lamang puro entertainment ang hatid kundi ang inspirasyon na makatulong sa kapwa.

Isa rin siyang talent manager at isa nga sa kanyang mga alaga ay ang nag-viral na online seller na si Madam Inutz.

Sa challenge sa kanya ni Tita Jegs na 'kukupkupin o tatablahin' sa YouTube channel nito, naikwento rin ni Wilbert na humingi ng tulong sa kanya si Xander Ford para umano sa career growth nito.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel