Umano'y CCTV screenshots ni Paolo at Yen sa resto, pinost ng netizen

Umano'y CCTV screenshots ni Paolo at Yen sa resto, pinost ng netizen

- Matapos ang paglalabas ng pahayag ni Paolo Contis ukol sa hiwalayan nila ni LJ Reyes, lumabas ang ilan pang larawan ng aktor na kuha sa Baguio

- Isang netizen din ang nagbahagi umano ng CCTV footage na kuha umano sa isang restaurant sa Baguio City

- Iba raw ito sa larawan at video na kuha rin sa Baguio gayung sa ibang restaurant naman ito kuha

- Sa naturang pahayag ni Paolo sa kanyang Instagram post, sinabing nakasama niya ang kanyang leading lady sa 'A Faraway Land' sa Baguio City kamakailan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kumakalat ngayon ang CCTV footage kung saan nakuhanan di umano sina Paolo Contis at sinasabing si Yen Santos sa ibang restaurant sa Baguio City.

Nalaman ng KAMI na isa umanong netizen ang lakas loob na nagbahagi ng screenshot sa sinasabing CCTV footage matapos na mai-tweet ng GMA News ang bahagi ng naging pahayag ni Paolo sa kanyang Instagram tungkol sa hiwalayan nila ni Lj Reyes.

Read also

Paolo Contis, nilinaw na hindi si Yen Santos ang dahilan ng paghihiwalay nila ni LJ Reyes

Umano'y CCTV screenshots ni Paolo at Yen sa resto, pinost ng netizen
Paolo Contis (@paolo_contis)
Source: Instagram

"Aug 25 in Agare Ramen baguio, then sep 3 sa lemon and olives" ang bahagi ng reply ng isang netizen at ipinakita ang naturang bagong viral na photo.

Sinasabing iba ito sa unang mga larawan at video ni Paolo dahil sa orihinal na post ng Agare Ramen noon Agosto 31, sinabing kuha ang larawan noon pang Agosto 25 kung kailan nakuhanan umano ang aktor na kasama ang isang babae na sinasabing si Yen Santos.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa PEP, unang kumalat ang mga photo at video kung saan nakita naman sa restaurant na "Lemon and Olives" noong Agosto 27 ang dalawang artista ng 'A Faraway Land'.

Si Paolo Contis ay isang aktor at komedyante na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng Kapamilya show noong 90's na "Ang TV." Sa kasalukuyan, isa siyang Kapuso talent. Naging maingay ang pangalan ng aktor kamakailan dahil sa pag-amin ni LJ Reyes tungkol sa kanilang hiwalayan.

Read also

Ogie Diaz sa mga photos at video ni Paolo Contis na may kasamang babae: "Si Yen nga 'yun"

Kamakailan, naging kontrobersyal ang aktor dahil sa hiwalayan nila ng dating karelasyon na si LJ Reyes. Kinumpirma ni LJ ang paghihiwalay na nila ng landas ni Paolo ngunit hindi pa nito ibinagsak ang naging mabigat na rason.

Kasalukuyan nang nasa New York City sa USA si LJ at mga anak nitong sina Aki at Summer. Siniguro niyang nakaalis muna sila ng Pilipinas bago isagawa ang eksklusibong panayam sa kanya ni Boy Abunda.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel