Makisig Morales, ibinahaging napag-uusapan na nilang mag-asawa ang pagkakaroon ng anak

Makisig Morales, ibinahaging napag-uusapan na nilang mag-asawa ang pagkakaroon ng anak

- Aminado si Makisig Morales na napag-usapan na nila ng kanyang misis ang pagkakaroon ng anak

- Gayunpaman, mas gusto umano sana nilang magkaroon muna ng sariling bahay bago magkaroon ng baby

- Gusto umano ng kanyang maybahay ng maraming anak dahil mas nais nito ang isang big family

- Para naman kay Makisig, kung ilan ang gusto ng asawa niya ay yun din ang gugustuhin niya at nainiwala din siyang masaya pag maraming anak

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Inamin ni Makisig Morales na may balak na sila at napag-uusapan na nila ng kanyang asawang si Nicole Joson ang pagkakaroon ng anak. Gayunpaman, kung sila ang masusunod ay gusto umano nilang magkaroon muna ng sariling bahay.

Makisig Morales, ibinahaging balak nang magkaanak sa asawa
Photo from Nicole Joson(@_nicolejoson_)
Source: Instagram

Sa isang panayam sa Push, sinabi ni Makisig na gusto umano ng asawa ang maraming anak.

Read also

Lolit Solis, gusto daw maniwalang may "bad element" na nakapasok sa FPJAP

“Gusto talaga ni Nicole ay big family din. Ang sa akin naman, kung ilan gusto niya. The more, the merrier."

Naibahagi niya ring kagaya ng ibang magkarelasyon ay nag-aaway din sila ngunit agad naman umano n ilang napag-uusapan ang problema at nahahanapan ng solusyon ang di pagkakaunawaan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Nag-aaway din kami. Kahit pa sa maliit na bagay. Pero ganun lang kami. 'Pag may napag-awayan, pag-uusapan agad at hahanapan agad ng solution. Si Lord po ang secret sa maganda at strong relationship namin.”

Si Makisig Morales ay unang napanood bilang bahagi ng TV reality-show Little Big Star. Pinakatumatak ang kanyang lead role sa International Emmy-nominated fantaserye na Super Inggo kung saan nakasama niya ang itinuturing na isa sa pinakasikat na aktres sa kanyang henerasyon, si Kathryn Bernardo.

Read also

Vandolph Quizon, kinabiliban sa kanyang fitness transformation

Samantala, matatandaang ibinahagi ni Makisig ang tungkol sa pagkakarron ng bagong karelasyon sa pamamagitan ng social media.

Kasunod nito ay marami ang nagulantang sa naging reaksiyon ng nagpakilalang kapatid ng karelasyon ni Makisig bago si Nicole.

Lumabas naman ang balita tungkol sa pagpapakasal ng aktor sa Fil-Am beauty queen na si Nicole noong Junyo ng 2019.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel