Kapatid ni Mahal, ibinunyag na walang bisa ang naging kasal ng kapatid
- Mariing sinabi ng mga kapatid ni Mahal Tesorero na hindi umano valid ang pagpapakasal ng kanilang kapatid noong 2015
- Anila, sa kalagayan ni Mahal ay kailangan umano ang consent mula sa kanyang pamilya kapag ikakasal ito
- Hindi umano nasabi sa kanila ang tungkol sa pagpapakasal ng kapatid nila sa mas batang karelasyon nito
- Maituturing umanong PWD si Mahal dahil sa kanyang lebel ng pag-iisip
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Diretsahang sinabi ng kapatid ni Mahal Tesorero na walang bisa ang naganap na pagpapakasal ng kanilang kapatid sa dating karelasyon nito na mas bata sa kanya noong 2015.
Bilang maituturing na PWD ang kanilang kapatid, dapat umano ay may consent ng kanyang pamilya ang pagpapakasal nito na hindi naman umano natupad.
Sa isang panayam ng kolumnista at writer na si Benny Andaya, sinabi nilang nagulat na lamang sila na kinasal na sa isang civil wedding ang kanilang kapatid. Kwento pa ng kanyang kapatid na lalaki, mabilis na mahulog ang loob ni Mahal. Marahil dahil sa kanyang kalagayan ay mabilis umano itong ma-in love.
Nang tanungin naman kung may habol ang lalaking napabalitang pinakasalan si Mahal sa mga ari-arian ni Mahal matapang na hinamon ng kapatid ni Mahal ang lalaki na subukang lumapit sa kanila.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Matatandaang taong 2015 nang maibalita ang pagpapakasal ni Mahal na noon ay 40 anyos at ang kanyang karelasyon ay 25 anyos s isang civil wedding sa Quezon City. Nabalot ng kontrobersiya ang kanilang pag-iisang dibdib matapos magsalita ang isa pang ex ng komedyante.
Si Mahal na isinilang bilang si Noemi Tesorero ay sumikat sa mundo ng komedya. Kabilang sa kanyang mga nagawang pelikula ay Id'Nal (Mapusok) (2012), Kokey (1997) at Mr. Suave: Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! (2003).
Muling naging maingay ang pangalan ng komedyante matapos mapansin ng mga netizens ang kanyang mga videos kasama si Mygz Molino.
Ibinahagi niya rin ang kanyang simpleng buhay ngayong hindi na ganoon ka aktibo ang kanyang showbiz career.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh