82-anyos na nakakapagbisikleta sa matatarik at kurbadang daan, hinangaan ng marami
- Hinangaan ng marami ang 82-anyos na si 'Lolo Ekoy' dahil sa kinakaya pa nitong magbisikleta sa matatarik at kurbadang daan
- Dahil dito, tinagurian siyang “Legend of Manipis Road” dahil araw-araw itong nagbibisikleta at dumaraan sa lugar na ito sa Talisay, Cebu
- Nakunan siya ng larawan ng photographer at isa rin siklista na si Hener Tirad Jaca na humanga rin sa lolo
- Laking pasalamat din ni Lolo Ekoy na sa kanyang edad, masasabi niyang siya ay malusog at mayroon pa ring malakas na pangangatawan
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Marami ang bumilib sa 82-anyos na si Rustico Mabunay o mas kilala bilang si 'Lolo Ekoy' dahil matiyaga pa rin itong nakapagbibisikleta sa matatarik at kurbadang daan.
Nalaman ng KAMI na mula sa Talisay City, Cebu si Lolo Ekoy at tila 'sisiw' lang sa kanya ang pagdaan sa Manipis Road araw-araw.
Sa ulat ni Oscar Oida ng GMA News, sinabing nag-viral ang larawan ni Lolo ekoy na kuha ng photographer at isa ring siklista na si Hener Tirad Jaca.
Paboritong kuhanan ng larawan si Lolo Ekoy ayon kay Hener dahil sila rin mismo ay humahanga sa tatag ng lolo na hindi iniinda ang hirap ng ruta ng kanyang pagbibiskleta.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Katunayan, binanasagan na si Lolo Ekoy na “Legend of Manipis Road”.
Sa panayam ng 24 Oras kay Lolo Ekoy, sinabing masaya raw ito sa kanyang pagba-bike na araw-araw niyang ginagawa.
“Masayang-masaya ako. Unang-una dahil mayroon akong malusog na pangangatawan, walang nararamdamang sakit at malakas pa"
Bukod pa rito nakukuha pa niyang mag-ehersisyo para hindi matumba at maayos pa rin na makabalanse habang nagbibisikleta.
Hiling ni Lolo Ekoy, magkaroon pa nawa siya ng mas mahaba pang buhay at malakas na pangangatawan para makita pa raw niya ang mga apo niya.
Kamakailan, hinangaan din kamakailan ang isang 66-anyos na lalaki dahil sa nagagawa pa rin nitong magtrabaho bilang isang call center agent.
Ngayong pandemya, marami sa ating mga kababayan ang talagang mas lalong sinubok ng panahon.
Maging ang mga senior citizens ay naiisipan din na magtrabahong muli para makatulong sa kanilang mga mahal sa buhay.
Kahit may edad na, pinasok pa rin ng ilan ang pagiging isang delivery rider na patok na hanapbuhay ngayong pandemic kung saan karamihan ay nanatili na lamang sa kani-kanilang tahanan.
Source: KAMI.com.gh