Babae sa bus, nailigtas ng kapwa pasahero sa posibleng kapahamakan

Babae sa bus, nailigtas ng kapwa pasahero sa posibleng kapahamakan

- Viral ang post ng isang pasahero tungkol sa hindi magandang nangyari sa kanya nang siya ay sumakay kamakailan sa bus

- Muntik nang mapahamak ang babae sa kamay umano ng mismong driver at konduktor ng bus

- Laking pasalamat niya sa babaeng nakatabi na siyang nagligtas sa kanya sa posibleng kapahamakan

- Nang makatakas, lakas loob pa siyang tinawag ng konduktor ngunit hindi na niya ito nilingon pa sa sobrang takot

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Viral ngayon ang post ng netizen na si Abby Nicasio Bautista tungkol sa hindi magandang karanasan niya nang sumakay siya kamakailan ng bus mula Guadalupe, Makati.

Nalaman ng KAMI na naiwan na lamang si Abby na mag-isa sa bus nang makarating ito ng Santolan at tinabihan pa umano siya ng konduktor. Hindi rin daw huminto sa Cubao ang bus na sana ay bababaan na niya.

Read also

Jovit Baldivino, pinabulaanan ang akusasyon ng ex na nanghingi siya ng pera sa fan

Babae sa bus, nailigtas ng kapwa pasahero sa posibleng kapahamakan
Naiiyak na si Abby nang makalipat na umano sa ibang bus. (Photo credit: Abby Nicasio Bautista)
Source: Facebook

Sa kanyang post, nasabi niyang hindi maganda ang motibo ng konduktor ng bus at maging ng driver sa kanya na nais pa sana siyang isama sa Monumento.

Bandang alas siyete ng gabi nang makarating sila ng QMart kung saan mayroon nang mga enforcer, kaya naman napilitan ang driver na ihinto ang bus para magsakay ng pasahero.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nanginginig na umano sa takot si Abby nang tabihan siya ng isang babae na sumakay. Doon naisip niyang humingi na ng tulong sa nakatabi na labis na nagulat sa paghingi niya ng saklolo.

Nang dumating na ang babae sa kanyang babaan, hinawakan nito si Abby at saka pinaunang ibinaba.

Matapang pang tinawag ng konduktor si Abby na hindi na nagpakalingon-lingon dala ng matinding takot kaya hindi na rin niya nakita pa ang pangalan ng bus at plate number nito.

Read also

Jovit Baldivino, nais makuha ang anak sa poder ng kanyang ex na si Shara Chavez

"Sa mga babae jan na bumabyahe ingat po tayo kahit saan lugar. Lakasan nyo loob nyo. Kahit saan maraming manyak. Kung ano man suot mo, payat ka man o mataba, matanda o bata, wala kang ligtas sa mga mata ng manyak. Kaya doble ingat din po kayo kung maaari wag kayo bumyahe ng mag-isa," paalala ni Abby.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Magsilbing babala sana ang nangyaring ito kay Abby lalo na sa mga babaeng mag-isa lamang na bumibiyahe.

Sa kabila nito, mayroon pa rin namang mga kahanga-kahangang pangyayari sa mga pampasaherong sasakyan na labis din naman hinangaan ng mga naging pasahero.

Tulad na lamang ng isang jeepney driver na bagama't masama na ang lagay at sa kasamaang palad ay binawian pa ng buhay, nagawa pa niyang maitabi ang minamanehong jeep at naisip pa rin ang kaligtasan ng kanyang mga pasahero.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica