Jovit Baldivino, pinabulaanan ang akusasyon ng ex na nanghingi siya ng pera sa fan

Jovit Baldivino, pinabulaanan ang akusasyon ng ex na nanghingi siya ng pera sa fan

- Pinalagan ni Jovit Baldivino ang naging buwelta sa kanya ng dating karelasyon na si Shara Cruzat

- Itinanggi nito ang alegasyong nanghingi umano siya ng pera sa kanyang fan at ginamit pa umano ang picture nilang mag-ina

- Aniya, taliwas sa binanggit ng kanyang ex na nagpapasikat lang siya nang magpost siya, sinabi ni Jovit na naranasan niya nang sumikat at hindi niya iyon pinagyabang

- Dagdag pa ni Jovit, matagal siyang nanahimik kahit sobrang sakit ng mga naririnig niya sa mga tao dahil sa umano'y pambabaliktad sa kanya ni Shara

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Muling nagsalita si Jovit Baldivino kasunod ng pahayag ng kanyang dating karelasyon na si Shara Cruzat laban sa kanya. Inalmahan niya ang mga naging pahayag nito at pinabulaanang nanghingi siya ng pera sa fan para panghanda sa birthday ng kanyang anak.

Read also

Shara Cruzat, bumwelta kay Jovit Baldivino sa pagnanais nitong makuha ang anak

Jovit Baldivino, pinabulaanan ang akusasyon ng ex na nanghingi siya ng pera sa fan
Jovit Baldivino (@jovitbaldivino)
Source: Instagram

Aniya, naghanda siya para sa kaarawan ng anak niya ngunit bigla umanong hindi na niya makontak si Shara.

Sumagot lamang umano ito ilang araw matapos ang kaarawan ng kanilang anak.

Ayon kay Jovit, matagal siyang nanahimik sa lahat ng mga natanggap niyang masasakit na salita nang umano'y paniwalain ni Shara ang mga tao sa "kasinungalingan" umano ng dating karelasyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayusin mo muna problema mo bago mo ulit ako babuyin at siraan sa kanila, matagal akong nanahimik Mrs. Shara kahit sobrang sakit nang naririnig ko sa kanila halos balatan ako nang buhay, binaliktad mo lahat, pinaniwala mo sila sa mga kasinungalingan mo.

Si Jovit Baldivino ay isang Pinoy na mang-aawit na unang nakilala matapos niyang sumali at nanalo sa reality talent show na Pilipinas Got Talent noong taong 2010.

Read also

Jovit Baldivino, nais makuha ang anak sa poder ng kanyang ex na si Shara Chavez

Nagkaroon sila ng anak ng kanyang dating karelasyon na si Shara Chavez. Matatandaang naging kontrobersiyal ang paghihiwalay ng dalawa dahil sa mga akusasyon laban sa mang-aawit.

Dahil naging usap-usapan ang paghihiwalay nila, lumikha din ng ingay ang pagkakaroon ng bagong karelasyon ni Shara.

Hindi maiwasang maikumpara si Jovit sa naging kapalit niya sa buhay ng ina ng kanyang anak at nagbahagi siya ng pahayag kaugnay dito.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel