Shara Cruzat, bumwelta kay Jovit Baldivino sa pagnanais nitong makuha ang anak

Shara Cruzat, bumwelta kay Jovit Baldivino sa pagnanais nitong makuha ang anak

- Hindi pinalagpas ni Shara Cruzat ang mga naging pahayag ni Jovit Baldivino sa kanya kamakailan kasunod ng isyung kinasangkutan niya

- Binuweltahan niya ang mang-aawit na aniya ay hindi man lang nakapagbigay ng sustento sa anak niya

- Ikinuwento niya rin ang umano'y panggagamit ni Jovit sa kanyang anak para makahingi ng pera sa isang fan

- Ibinahagi niya ang umano'y mensahe ng karelasyon ni Jovit na magpapatunay sa ginawa nitong panggagamit sa kanila sa panghihingi ng pera

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos ang ilang araw ay binasag na ni Shara Cruzat ang kanyang pananahimik matapos siyang maakusahang scammer ng mga investor sa kanyang kumpanya.

Bukod sa paglilinaw tungkol sa isyu ng pera na ibinabato sa kanya, hindi rin niya pinalagpas ang nilabas na pahayag ni Jovit kaugnay sa isyu.

Shara Cruzat, bumwelta kay Jovit Baldivino sa pagnanais nitong makuha ang anak
Jovit Baldivino (@jovitbaldivino)
Source: Instagram

Aniya, hindi naging ama si Jovit sa anak nila na hindi man lang makapagbigay ng sustento sa pangangailangan ng kanyang anak.

Read also

Jinkee Pacquiao, pabirong ibinahagi ang kanilang carpet na sosyalin

At para sayo, Mr. Jovit Baldivino. Ang saya mo siguro. Sabi mo nga matagal tayo wala koneksyon at komunikasyon e bakit parang magsalita ka ngayon alam mo yung nangyayari? Gumatong ka pa sa problema na wala ka naman kaalam alam. Labas kana sana pero nilagay mo issue pabalik sayo. Dinamay mo na naman ang Diyos. Chance mo ba to na baka magkaka gig ka?

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naibahagi pa niyang nagawa pa umano nitong gamitin ang anak para makahingi ng pera sa isang fan.

Tanda ko nung Birthday ni Keya, nanghingi ka sa isang Fan para may pang gastos kuno sa Birthday nya ginamit mo pa picture namin na nasa hotel kami kunyari ikaw ang gumastos e sa totoo wala naman. Nananahimik ako, wala ako pakielam busy ako pero sobra ka. Konting hiya naman, manginig ng kahit konti, kabahan sa sinasabi please. Ako ang bumuhay at nagpapalaki sa anak ko at wala kang karapatan na mag ambisyon sa custody nya dahil wala ka pa ring kwentang ama!

Read also

Jovit Baldivino, nais makuha ang anak sa poder ng kanyang ex na si Shara Chavez

Si Jovit Baldivino ay isang Pinoy na mang-aawit na unang nakilala matapos niyang sumali at nanalo sa reality talent show na Pilipinas Got Talent noong taong 2010.

Nagkaroon sila ng anak ng kanyang dating karelasyon na si Shara Chavez. Matatandaang naging kontrobersiyal ang paghihiwalay ng dalawa dahil sa mga akusasyon laban sa mang-aawit.

Dahil naging usap-usapan ang paghihiwalay nila, lumikha din ng ingay ang pagkakaroon ng bagong karelasyon ni Shara.

Hindi maiwasang maikumpara si Jovit sa naging kapalit niya sa buhay ng ina ng kanyang anak at nagbahagi siya ng pahayag kaugnay dito.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel