Jovit Baldivino, nais makuha ang anak sa poder ng kanyang ex na si Shara Chavez

Jovit Baldivino, nais makuha ang anak sa poder ng kanyang ex na si Shara Chavez

- Kasunod ng mga reklamo laban sa dating karelasyon ni Jovit Baldivino na si Shara Chavez, isang pahayag ang inilabas ng mang-aawit na si Jovit Baldivino

- Aniya ay wala siyang koneksiyon sa kanyang ex at nais lang umano niyang makuha ang kanyang anak na hindi na niya nakikita

- Dagdag pa niya, nais lamang niyang ilayo ang kanyang anak sa masama

- Samantala, sa kanyang Facebook account ay may pahayag si Shara na nagsasabing hindi siya nagtatago

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos ang sunod-sunod na reklamo laban sa dating karelasyon ni Jovit Baldivino na si Shara Chavez na kilala na sa kasalukuyan bilang si Shara Cruzat, inilabas ni Jovit ang isang pahayag na nagsasabing hindi niya alam kung nasaan ang kanyang ex.

Jovit Baldivino, nais makuha ang anak sa poder ng kanyang ex na si Shara Chavez
Jovit Baldivino (@jovitbaldivino)
Source: Instagram

Wala na umano siyang koneksiyon dito at ang kanyang pakay lamang ay makuha ang kanyang anak at aniya'a mailayo sa masama.

Read also

Madam Inutz, nilabas ang kanyang panig kaugnay sa isyu nila ni Ethel Booba

wala po ako pakialam dyan, problema nya yan, at siguro naman po alam nyo na ang tunay na pagkatao nya,,,, ang sa akin lang po eh yung makuha ko ang anak ko sa kanya at ilayo sa masama..

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa kanyang Facebook account ay may pahayag si Shara na nagsasabing hindi siya nagtatago at naghahanap lamang siya ng legal advise kaugnay sa kanyang problema. Ayon din sa nasabing post ay magbibigay siya ng official statement kapag naayos niya na ang dapat niyang ayusin.

Si Jovit Baldivino ay isang Pinoy na mang-aawit na unang nakilala matapos niyang sumali at nanalo sa reality talent show na Pilipinas Got Talent noong taong 2010.

Nagkaroon sila ng anak ng kanyang dating karelasyon na si Shara Chavez. Matatandaang naging kontrobersiyal ang paghihiwalay ng dalawa dahil sa mga akusasyon laban sa mang-aawit.

Read also

Bea Alonzo, aminadong hindi niya pa napapatawad ang kanyang ex

Dahil naging usap-usapan ang paghihiwalay nila, lumikha din ng ingay ang pagkakaroon ng bagong karelasyon ni Shara.

Hindi maiwasang maikumpara si Jovit sa naging kapalit niya sa buhay ng ina ng kanyang anak at nagbahagi siya ng pahayag kaugnay dito.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel