Madam Inutz, nilabas ang kanyang panig kaugnay sa isyu nila ni Ethel Booba
- Masayang ibinahagi ni Madam Inutz na nagkapatawaran at nagkaayos na ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino at Ethel Booba
- Minabuti niyang sagutin ang binabatong isyu sa kanya na nagbago na siya at lumaki na ang ulo dahil sa tinatamasang kasikatan
- Ito ay dahil sa isyu kaugnay sa hindi niya paglabas nang pumunta ang grupo nila Ethel Booba sa kanyang bahay
- Nilinaw niyang nag-iingat lamang siya dahil may pinirmahan siyang kontrata at iginagalang niya ang kanyang management
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ayon kay Madam Inutz, masaya siyang nagkaayos na at nagkapatawaran ang matagal nang magkaibigan at magkumareng sina Ethel Booba at ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino.
Minabuti niyang ihayag ang kanyang panig hinggil sa isyu lalo at nasasaktan umano siya sa mga nababasa niyang komento na lumaki na umano ang ulo niya at nagbago na siya.
Nilinaw niyang kaya hindi siya lumabas noon ay dahil nag-iingat lamang siya dahil may kontrata siyang pinirmahan at dahil na rin sa unang nagawa niyang naging padalos-dalos siya kaya mas pinili niyang maging mas maingat.
Aniya, walang nagbago sa kanya at bukas na bukas siya sa pakikipag-collab basta dumaan lamang sa tamang proseso. At ito nga ay ang makipag-usap muna sa kanyang manager upang maaprubahan ang gusto nilang collaboration.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Hiniling niya rin na sana ay tigilan na ang mga negatibong mga komento at matuldukan na ang isyu.
Si Daisy Lopez ay isang online seller na sumikat nang husto sa social media dahil sa kanyang kakaibang paraan ng pagbebenta ng kanyang ukay-ukay na paninda.
Matapos mag-viral ang kanyang mga video sa social media, lalong dumami ang kanyang viewers. Gayunpaman, wala umanong bumubili sa kanyang mga paninda. Ngunit, ito naman ang naging daan para sa mas magagandang opportunidad sa kanya.
Nauna na siyang pumirma ng kontrata sa isang talent agency. Gayunpaman, marami sa kanyang mga tagasuporta ang umalma. Kaya naman nakapagpasya siyang iwan na lamang ang nasabing talent agency.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh