Jinkee Pacquiao, pabirong ibinahagi ang kanilang carpet na sosyalin
- Matapos nga ang laban ng Pambansang Kamao kamakailan, hindi nakaligtas ang kanyang maybahay sa mga intriga
- Isa sa mga sinisilip sa kanya ay ang tungkol sa kanyang mga mamahaling mga kasuotan at gamit
- Sa katunayan ay lumabas ang balitang umabot ng milyon ang kanyang isinuot sa kakatapos lang na boxing match
- Kaya naman, pabirong ibinahagi ni jinkee ang kanilang carpet na aniya ay baka isama pa sa kanilang pag-compute
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Hindi nagpakita ng pagkapikon o pagkaasar si jinkee Pacquiao sa kabila ng mga negatibong mga isyung ipinupukol sa kanilang mag-asawa kasunod ng laban ni Senator Manny Pacquiao kamakailan.
Matapos lumabas ang mga bali-balita kaugnay sa presyo ng isinuot na OOTD ni Jinkee sa laban ng asawa, lumabas ang mga online article kung saan hinimay ang presyo ng mga damit na ginamit ni Jinkee.
Kaya naman, abirong ibinahagi ni jinkee ang kanilang carpet na aniya ay baka isama pa sa kanilang pag-compute.
Matatandaang isa si Cristy Fermin sa naglabas ng kanyang saloobin kaiugnay sa isyung ito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Jinkee Pacquiao ay nagtrabaho bilang sales attendant para sa isang cosmetics brand bago niya nakilala si Manny Pacquiao.
Sa isang shopping mall sila unang nagkita kung saan ang uncle ni Jinkee, na dating trainer ni Manny, ang naging daan para magkakilala sila.
Ikinasal sila noong taong 2000 at meron silang limang anak na sina Emmanuel Jr., Michael Stephen, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth and Israel.
Dahil sa kanyang magarbong buhay, naibabahagi minsan ni Jinkee ang ilang mga bagay sa social media. Hindi man naging positibo ang pagtanggap ng iilan sa kanyang mga ipinapakita, pinatunayan ni Jinkee na hindi siya apektado sa mga pambabatikos sa kanya.
Kabilang ang aktres na si Agot Isidro sa pumuna sa kanyang pagbahagi ng kanyang mamahaling gamit sa social media. Pinayuhan si Jinkee ng aktres na maging sensitive naman sa mga taong naghihirap sa gitna ng pandemya.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh