Neil Arce, ibinida kung gaano ka maasikaso ang kanyang misis

Neil Arce, ibinida kung gaano ka maasikaso ang kanyang misis

- Buong pagmamalaking ibinida ni Neil Arce kung gaano ka maasikaso ang kanyang misis na si Angel Locsin sa kanya

- Sa katunayan, sa kanilang house tour ay palaging nababanggit ni Neil kung gaano pinaglaanan ni Angel ng kanyang oras ang pagpapaganda ng kanilang tahanan

- Sa kanailang walk-in closet ay pinakita din ni Neil kuing gaano ka-organized ang kanilang mga gamit

- Ayon sa kanya, si Angel mismo ang nag-ayos ng kanyang mga damit at hindi nito maitago kung gaano siya kasaya sa pagiging maasikaso ng kanyang misis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Proud na ibinahagi ni Neil Arce kung gaano kaayos at maasikaso ang kanyang misis na si Angel Locsin. Nabanggit nito ng ilang beses kung gaano pinaglaanan ni Angel ng oras at effort ang pag-aayos at pagpapaganda ng kanilang tahanan.

Neil Arce, ibinida kung gaano ka maasikaso ang kanyang misis
Neil Arce at Angel Locsin (@neil_arce)
Source: Instagram

Sa ikalawang bahagi ng kanilang house tour na kanilang ibinahagi sa YouTube kung saan pinakita nila ang pangalawang palapag ng kanilang bahay, naibahagi nila ang kanilang walk-in closet kung saan ibinida niya kung gaano kaayos ang kanyang mga damit na mismong ang kanyang misis ang nag-organize.

Read also

Angel Locsin, ikinatuwa na napagbigyan ang request niyang magkaroon ng bathtub

Pagbubuking naman ni Angel, ayaw umano ni Neil na ipatapon kahit yung mga butas niyang mga boxers.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano. Nang magkahiwalay sila ni Luis, naka-relasyon niya ngayon ang film producer na si Neil Arce.

Matatandaang kamakailan ay naging usap-usapan si Angel matapos kumalat sa social media ang larawan ng isang module na tila kinukutya ang kanyang pangangatawan.

Sa kabila ng kanyang pinagdaanan noon na red-tagging, isa si Angel sa mga artistang nagtayo ng community pantry.

Hindi din pinalampas ni Angel ang basher na bumatikos sa kanya matapos magpabakuna ang kanyang magulang.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel