Angel Locsin, ikinatuwa na napagbigyan ang request niyang magkaroon ng bathtub

Angel Locsin, ikinatuwa na napagbigyan ang request niyang magkaroon ng bathtub

- Sa kanilang pangalawang bahagi ng kanilang house tour ay pinakita ng mag-aswang Angel Locsin at Neil Arce ang ikalawang palapag ng kanilang bahay

- Naroroon ang kanilang guest room, ang silid ng anak ni Neil, ang walk-in closet ang kanilang master bedroom

- Ayon kay Angel, natutuwa siya na napagbigyan siya sa kanyang request na magkaroon ng bathtub dahil lumaki siyang walang ganoon

- Para naman sa kanyang mister ay nagpalagay sila ng sauna dahil mahilig si Neil sa sauna ayon kay Angel

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Halos mga positibo ang reaksiyon ng mga tao sa mga video ng ibinabahagi ng mag-aswang sina Neil Arce at Angel Locsin na ayon sa mga karamihan ay simple lang kahit may kaya ang mga ito sa buhay.

Angel Locsin, ikinatuwa na napagbigyan ang request niyang magkaroon ng bathtub
Neil Arce at Angel Locsin (@neil_arce)
Source: Instagram

Sa pangalawang bahagi ng kanilang house tour ay ibinahagi ng mag-aswa ang ikalawang palapag ng kanilang bahay kung nasaan ang guest room, ang silid ng anak ni Neil, ang walk-in closet ang kanilang master bedroom.

Read also

Neil Arce, ibinida kung gaano ka maasikaso ang kanyang misis

Sa kanilang banyo ay ibinahagi ni Angel na masaya siyang napagbigyan siya sa request niyang magkaroon ng bathtub dahil lumaki siyang walang ganoon sa kanilang bahay.

Maliit lang din umano ang space sa kanyang tinirhang condo kaya hindi din siya nakapagpalagay ng tub. Para naman sa kanyang mister ay nagpalagay sila ng sauna dahil mahilig si Neil sa sauna ayon kay Angel.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano. Nang magkahiwalay sila ni Luis, naka-relasyon niya ngayon ang film producer na si Neil Arce.

Matatandaang kamakailan ay naging usap-usapan si Angel matapos kumalat sa social media ang larawan ng isang module na tila kinukutya ang kanyang pangangatawan.

Read also

Jinkee Pacquiao, pabirong ibinahagi ang kanilang carpet na sosyalin

Sa kabila ng kanyang pinagdaanan noon na red-tagging, isa si Angel sa mga artistang nagtayo ng community pantry.

Hindi din pinalampas ni Angel ang basher na bumatikos sa kanya matapos magpabakuna ang kanyang magulang.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel