Dating asin vendor na naging OFW, nakapagpatayo na ng mala-mansyong tahanan
- Isa na ngayong milyonarya ang dating tindera ng asin at naging domestic helper sa ibang bansa na si Daisy
- Aminadong hirap sa buhay si Daisy noon na nagtiyagang maglako ng asin para makaipon
- Nang magkaroon ng sapat na pera, naisipan niyang mangibang bansa upang mabago ang takbo ng kanyang buhay
- Hindi naman siya nabigo lalo na at hindi lamang bahay ang kanyang naipundar kundi mga negosyo at maayos na pagkakakitaan
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Marami ang humanga sa naging kapalaran ng tindera ng asin at naging overseas Filipino worker na si Daisy.
Nalaman ng KAMI na hindi pa man ipinalalabas ang kabuuan ng kwento ng buhay ni Daisy sa Kapuso Mo, Jessica Soho, marami na ang na-ispire sa kanya.
Kwento ni Daisy, satindi ng hirap ng kanyang buhay noon, matiyaga na lamang siyang naglalako ng asin sa gilid ng kalsada.
Lallong nahihirapan si Daisy na sa tuwing umaalis siya sa madaling araw para maglako ay umiiyak ang kanyang mga anak at humahabol sa kanya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Doon, mas lalo niyang naisip na kailangang gumawa siya ng paraan upang mabago ang takbo ng kanilang pamumuhay.
Nang makaipon ng pera sa paglalako, sumuong at nakipagsapalaran bilang isang domestic helper sa Hong Kong si Daisy.
Sinuwerte raw siya sa kanyang ikalawang naging amo dahil kadugo na kung ituring siya nito.
Unti-unti nang gumiginhawa ang kanilang buhay at nakapagpundar na rin ng mga ari-arian.
"Ngayon, nakapagpatayo na ako ng 5-storey building. May apartment na kami, may alahas at pera na rin. Hindi po talaga ako makapaniwala na magiging ganito ang buhay ko!”
Narito ang kabuuan ng kanyang kwento na inaabangan na ngayon ng marami sa KMJS:
Isa ang programa ng broadcast journalist na si Jessica Soho sa mga pinakaaabangan ng mga Pinoy linggo-linggo sa Kapuso network GMA.
Isa sa mga naitampok sa naturang programa ang buwis-buhay na pagtawid ng mga guro sa ilog makapaghatid lamang ng mga learning modules sa kanilang mga estudyante.
Tinutukan din ng marami ang kwento ng batang nag-aararo na sa mura niyang edad na dinagsa naman ng tulong at natigil na sa pagtatrabaho buhat nang maibahagi sa KMJS ang kanyang kwento.
Source: KAMI.com.gh