Angel Locsin, ibinida ang husay ng kanyang mister sa "Toe - Sipit Challenge"
- Sa kanyang YouTube channel ay binahagi ni Angel Locsin ang mga bagay na natuklasan niya sa kanyang mister
- Sa kanilang tatlong taong magkasama sa isang bubong bilang mag-asawa, marami pa umano siyang natutuklasan sa kanyang mister
- Ibinida niya ang ilang hidden talent umano ng kanyang mister kagaya na lamang ng pagkanta, pagsayaw at pagpulot ng mga bagay-bagay gamit ang kanyang daliri sa paa
- Hindi naman inatrasan ni Neil ang mga challenge na pinagawa sa kanya ng misis niya sa pamamagitan ng pagdampot ng iba't-ibang bagay gamit ang kanyang daliri sa paa
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Aminado si Angel Locsin na matapos ang tatlong buwan na magkasama sila sa iisang bubong ng kanyang mister na si Neil Arce ay nagugulat pa rin siya sa mga bagay-bagay na kanyang natutuklasan sa kanyang mister.
Kabilang na nga dito ang mga umano'y hidden talent ni Neil sa pagkanta, pagsayaw at pagpulot ng mga bagay-bagay gamit ang kanyang mga daliri sa paa.
Hindi naman inatrasan ni Neil ang mga challenge na pinagawa sa kanya ng misis niya sa pamamagitan ng pagdampot ng iba't-ibang bagay gamit ang kanyang daliri sa paa.
Matapos mapagtagumpayan ang mga challenge ng asawa ay may hamon din sila sa kanilang viewers na magbahagi ng kanilang talent sa Toe - Sipit Challenge at magbibigay sila ng premyo sa maswerteng mananalo.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”
Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano. Nang magkahiwalay sila ni Luis, naka-relasyon niya ngayon ang film producer na si Neil Arce.
Matatandaang kamakailan ay naging usap-usapan si Angel matapos kumalat sa social media ang larawan ng isang module na tila kinukutya ang kanyang pangangatawan.
Sa kabila ng kanyang pinagdaanan noon na red-tagging, isa si Angel sa mga artistang nagtayo ng community pantry.
Hindi din pinalampas ni Angel ang basher na bumatikos sa kanya matapos magpabakuna ang kanyang magulang.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh