Tricycle driver na nagsauli ng Php98,000 na naiwan ng pasahero, hinangaan
- Hinangaan ang marami ang isang matapat na tricycle driver na nagsauli ng Php98,000
- Naiwan umano ng kanyang pasahero ang malaking halaga ng pera na hindi talaga niya pinag-interesan
- Naisip niya talaga ang malaking problema ng may-ari na marahil daw ay labis nang nag-aalala sa malaking halaga ng pera na naiwan nito
- Napasama pa sa mga kapwa niya tricycle driver nag nakakita ng pera upang masigurong maayos itong maibalik
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Umani ng papuri ang tricycle driver na si Jobert Larisa na nagsauli ng Php98,000.
Nalaman ng KAMI na naiwan umano ng babaeng pasahero ni Larisa ang malaking halaga ng pera.
Sa Facebook Live ni Mark Gil “Volta” Delos Santos, officer-in-charge ng Tricycle Operation and Regulation Office (TORO) ng Pasig City, ipinakita ang aktwal na pagbabalik ni Larisa ng pera.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Maayos pa rin itong nakabalot at naibalik ng walang labis at walang kulang sa babaeng pasahero nito.
Kwento ni Larisa, labis siyang kinabahan nang makita ang pera. Naisipan niyang magpasama sa mga kapwa niya tricycle driver upang masiguro na maayos nilang madadala ang pera sa may-ari.
Naisip din niya na marahil labis nang namomroblema ang may-ari ng pera kaya dali-dali niyang sinikap na maibalik ito kaagad.
Labis namang nagpapasalamat ang babaeng pasahero sa katapatang pinakita ng tricycle driver.
Ayon pa kay Delos Santos, ibinahagi niya sa ang video upang pamarisan ng marami ang kabutihan ni Larisa.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Sa hirap ng buhay ngayon, marami pa rin sa ating mga kababayan ang mas pinipili na gumawa ng kabutihan at hindi basta basta masilaw sa pera.
Matatandaang, isang pedicab driver din ang binigyan ng pabuya ni Mayor Isko Moreno nang magsauli ito ng bag na naglalaman ng ₱1.2 million.
Bukod sa pabuya, binigyan din ni Mayor Isko ng permanenteng trabaho ang matapat na pedicab driver na nararapat lamang daw umanong tularan ng marami.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh