Mayor Isko, binigyan ng pera at trabaho ang side car boy na nagsauli ng bag na may ₱1.2 million

Mayor Isko, binigyan ng pera at trabaho ang side car boy na nagsauli ng bag na may ₱1.2 million

- Napulot ng isang side car boy sa Maynila ang isang bag na naglalaman ng napakalaking halaga ng pera

- Sa tuwa ni Mayor Isko Moreno, naghati sila ng kanyang bise alkalde sa ₱100,000 na pabuya sa side car boy

- Bukod dito, hinanapan pa ito ng permanenteng trabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang di napangalanang side car boy ang di nagdalawang isip na magsauli ng bag na may lamang ₱1.2 million.

Ayon sa mismong Facebook page na Manila Mayor Isko Moreno, naiwan ng isang Chinese national ang kayang bag sa side car.

Bukod sa malaking halaga ng pera, naroon din sa bag ang ibang mahahalagang gamit nito tulad ng pasaporte.

Dahil dito, agad na dinala ng side car boy ang bag sa munisipyo upang mahanap ang may-ari nito.

Sa tuwa ni Mayor Isko, nagdesisyon siyang bigyan ng pabuya ang nakapulot ng bag.

Naghati sila ng kanyang bise alkalde na si Honey Lacuna sa halagang ₱100,000.

"This kind of person is very rare," ayon kay Yorme Isko kaya naman bibigyan na rin niya ng permanenteng trabaho ang side car boy.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Talagang kinilala ng pamahalaan ng Maynila ang kabutihang ginawa ng side car boy kaya naman sinuklian nila ito ng mas maayos na kabuhayan.

Kung tutuusin kasi, mababago na rin naman ang buhay ng side car boy kung inangkin niya ang ganoong kalaking pera ngunit di niya ito ginawa.

Mas pinili niyang maging matapat kaya naman nagantihan din ito ng kabutihan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Translate These Songs Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel