Sharifa Akeel, walang pagsisisi na mas pinili ang magpakasal kaysa sumali sa Miss Universe

Sharifa Akeel, walang pagsisisi na mas pinili ang magpakasal kaysa sumali sa Miss Universe

- Sa kanilang video na ibinahagi matapos silang ikasal, nabanggit nina Cong. Toto Mangudadatu at Sharifa Akeel na pangarap ni Sharifa ang sumali sa Miss Universe

- Isa din umano si Sharifa sa napipisil na ipanlaban ng ilang organizers sa Miss Universe Philippines

- Gayunpaman, mas pinili niyang magpakasal sa lalaking kanyang minamahal at ayon kay Cong. Mangudadatu ay masaya siya sa naging pasya ng beauty queen

- Ayon naman kay Sharifa ay wala siyang pagsisi dahil suot niya ang korona bilang isang misis Mangudadatu

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naging kontrobersiyal man ang naganap na kasalan nina Cong. Toto Mangudadatu at ng beauty queen na si Sharifa Akeel, minabuti nilang linawin ang mga kontrobersiyang ipinupukol sa kanilang relasyon.

Sharifa Akeel, walang pagsisisi na mas pinili ang magpakasal kaysa sumali sa Miss Universe
Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel (@sharifaakeel)
Source: Instagram

Ayon kay Cong. Mangudadatu, masaya siyang mas pinili ni Sharifa na magpakasal sa kanya sa kabila ng oportunidad sana niyang sumali sa kanyang pinapangarap na Miss Universe pageant.

Read also

Miss Universe Davao Alaiza Malinao, isinapubliko ang kanyang pagbubuntis

Ayon naman kay Sharifa, wala siyang pinagsisihan na pinalagpas niya ang oportunidad para lumaban sa Miss Universe PH dahil nakamit naman niya ang korona bilang Mrs. Mangudadatu.

Matatandaang umani ng mga reaksiyon ang pagkabanggit ni Sharifa Akeel sa kanyang social media post na si Cong. Esmael "Toto" Mangudadatu ay taong naroroon para sa kanya sa loob ng anim na taon. Kaya naman, minabuti niyang linawin ang kanyang pahayag. Nilinaw niyang ang kanyang tinutukoy ay ang unang pagkakataon na nagkakilala sila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Sharifa Akeel ay isinilang sa Lebak, Sultan Kudarat at may dugong Qatari at Filipino. Siya ang napili mula sa 50 kalahok sa Mutya ng Pilipinas 2018 bilang Mutya ng Pilipinas — Asia Pacific International 2018.

Kinoronahan siya bilang Miss Asia Pacific International 2018 sa New Performing Arts Theater, Resorts World Manila noong October 4, 2018. Siya ang ikalimang Pinay na nakasungkit ng korona sa Miss Asia Pacific International.

Read also

Cong. Toto Mangudadatu, sinabing hindi kailanman naging kalaguyo si Sharifa Akeel

Matatandaang nadawit sa kontrobersiya si Sharifa matapos siyang akusahan bilang kalaguyo ng isang politiko. Agad namang tinuldukan ng beauty queen ang nasabing isyu.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel