Miss Universe Davao Alaiza Malinao, isinapubliko ang kanyang pagbubuntis

Miss Universe Davao Alaiza Malinao, isinapubliko ang kanyang pagbubuntis

- Marami ang nagulat sa ibinahaging balita ni Miss Universe Philippines Davao na si Alaiza Malinao sa kanyang social media account

- Isinapubliko niya ang tungkol sa kanyang pagdadalang-tao at kalakip ng kanyang mensahe ay ang kanyang litrato kung saan makikita ang kanyang tiyan

- Nabigo man siya sa pangarap na makamit ang korona sa nasabing prestihiyosong pageant, masaya siya sa blessing na ipinagkaloob sa kanya

- Bumuhos naman ang pagbati mula sa kanyang mga kasamahang beauty queen kabilang na si Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ginulat ni Miss Universe Davao 2020 Alaiza Malinao ang maraming pageant fans sa kanyang naging anunsiyo at rebelasyon sa social media.

Miss Universe Davao Alaiza Malinao, isinapubliko ang kanyang pagbubuntis
Miss Universe Davao Alaiza Malinao (@alaizamalinao)
Source: Instagram

Isinapubliko niya sa kauna-unahang pagkakataon ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. kalakip ng kanyang mensahe ay ang kanyang litrato kung saan makikita ang kanyang baby bump.

Read also

Jinkee Pacquiao, pabirong ibinahagi ang kanilang carpet na sosyalin

Aniya, ilang araw niyang pinag-isipan kung ano paano niya sasabihin ang balita.

Ilang araw ko na iniisip pano ako susulat ng caption… pero, Yes! Hindi kayo namamalikmata, malinaw na malinaw na Inday am going to be a Mama!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nabigo man siya sa pangarap na makamit ang korona sa nasabing prestihiyosong beauty pageant, masaya umano siya sa blessing na ipinagkaloob sa kanya.

Hindi niya kinaligtaang pasalamatan ang lahat ng kanyang tagasuporta. Ang suportang natanggap niya sa kanyang pagsali sa MUP 2020 ay maituturing niya umanong pinakamalaking surprise ng taong 2020 para sa kanya.

Ninais niya lang umanong mapakita kung sino siya sa kanyang pagsali sa pageant.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa kanyang mga kasamahang beauty queen kabilang na si Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo.

Read also

Bea Alonzo, aminadong hindi niya pa napapatawad ang kanyang ex

Si Alaiza Malinao ay nagtrabaho bilang isang modelo bago pa man siya sumali sa Miss Universe Philippines 2020 kung saan siya ang kumatawan sa Davao City. Ang kanyang naging adbokasiya sa kanyang pagsali sa MUP 2020 ay ang pagsulong ng agrikultura.

Sa gitna ng mga tinanggap na pambabatikos ng nanalong MUP2020 na si Rabiya Mateo, isa si Alaiza sa nagtanggol sa kasamahan.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel