Miss Davao Alaiza Malinao, ipinagtanggol si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo

Miss Davao Alaiza Malinao, ipinagtanggol si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo

- Pinagtanggol ni Miss Davao Alaiza Malinao si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo laban sa mga lumalabas na alegasyon

- Iginiit ni Miss Davao na si Rabiya lang mismo ang nagme-make up sa sarili niya

- Dagdag pa niya, masipag mag-practice si Rabiya at deserve niya ang manalo

- Matatandaang nabalot ng kontrobersiya ang MUP 2020 coronation dahil sa mga patutsada ni Miss Taguig Sandra Lemonon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kabila ng mga patutsada ni Miss Taguig Sandra Lemonon kaugnay sa umano'y pandarayang naganap, ipinagtanggol ni Miss Davao Alaiza Malinao ang tinanghal na Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo ng Iloilo City.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram Story, nilinaw ni Malinao na si Rabiya mismo ang nag make-up sa sarili niya, taliwas sa mga lumalabas na espikulasyon matapos lumabas ang reklamo ng kampo nina Lemonon at Michele Gumabao.

KC Montero, dumipensa matapos batikusin ng fans ni Miss Bohol
"So deserving!!! Siya lang po nag me-make-up sa sarili niya. Habang naghihintay kami sa holding area si Rabiya nasa gilid yan nag papractice mag Q&A nung prelims, rumarampa yan sa hallway, sa labas ng holding area namin para mag practice ng swimsuit walk niya. Masipag si dzai. She worked hard! She's fair! She did not cheat. She Is a deserving winner! " ani Malinao.

Miss Davao Alaiza Malinao, ipinagtanggol si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo

Photo from alaizamalinao Instagram Story
Source: Instagram

Dagdag pa niya, masipag mag-ensayo si Rabiya at deserve nito ang manalo. Hindi umano ito nag-cheat kagaya ng lumalabas na haka-haka matapos ang pasaring ni Lemonon sa social media.

Miss Davao Alaiza Malinao, ipinagtanggol si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo

Alaiza Malinao (Photo from alaizamalinao/Instagram)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang Miss Universe Philippines ay isang beauty pageant competition at organisasyon sa bansa na may layong makapili ng kakatawan sa Pilipinas sa Miss Universe pageant. Ang Miss Universe ay maituturing na isa sa apat na pinakamalalaking international beauty pageants.

MUP 2020 Rabiya Mateo, emosyonal na sinagot ang akusasyon laban sa kanya

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matatandaang naging mainit na usapin sa social media ang naging pasaring ni Taguig representative Sandra Lemonon kaugnay sa katatapos lang na pageant.

Maging ang 2nd placer na si Michele Gumabao ay hindi napatapos ang panonood sa watch party ng kanilang pageant dahil hindi umano niya kinaya ang pagtatanong sa kanya kaugnay sa naging resulta ng pageant.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel