Dominic Roque, pinuri ni Janus Del Prado sa relasyon nito sa kaibigang si Bea Alonzo

Dominic Roque, pinuri ni Janus Del Prado sa relasyon nito sa kaibigang si Bea Alonzo

- Maraming magagandang salita na nabitawan si Janus Del Prado sa kasalukuyang boyfriend ng kaibigan niyang si Bea Alonzo na si Dominic Roque

- Hindi pa man daw niya ito lubusang kilala ngunit nasabi niyang matino itong tao

- Nilarawan niya itong 'may class' at 'maganda ang pagpapalaki ng mga magulang'

- Sinabihan din niya itong ipagpatuloy lamang ang ginagawa gayung labis daw nitong napapasaya ang kanilang kaibigan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Magagandang salita ang napakawalan ni Janus Del Prado patungkol sa kasalukuyang karelsayon ng kanyang kaibigang si Bea Alonzo na si Dominic Roque.

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, nasabi ni Janus na hindi pa man niya masyadong kilala si Dominic, masasabi niyang matinong tao ito.

Dominic Roque, pinuri ni Janus Del Prado sa relasyon nito sa kaibigang si Bea Alonzo
Janus Del Prado (Photo credit: @janusdelprado)
Source: Instagram
"Hindi ko pa siya ganun kakilala. Nakatrabaho ko na siya e. Nung nakausap ko na siya, mature siya for his age."

Read also

Video ng panawagan ni Jam Magno sa PAO, usap-usapan sa social media

"May class siya, may class siya makitungo. Ang galing!"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Siya very class, halatang maganda ang pagpapalaki. Hindi mayabang, pero hindi rin naman kikimi-kimi. Kaya niyang mag-hold ng conversation pero hindi ko pa kasi siya ganun ka kilala. Wala pa kaming pinagdadaanan bilang ano, so hindi pa ako 'hindi ang bait-bait niyan,' hindi ako ganun."

Wala rin naman daw pagbabanta si Janus kay Dominic at ayaw naman niyang manghimasok sa relasyo ng kaibigan. Maliban na lamang kung may magawa itong hindi maganda kay Bea, doon lamang umano siya aalma.

"Hangga't wala kang ginagawang masama, bahala kayo relasyon niyo 'yan e!"

Ayon pa kay Janus, masaya silang mahal ni Dominic si Bea na animo'y dumaan sa audition upang mapasagot ang aktres.

"Tuloy mo lang yan, ang ganda ng naidudulot mo sa kaibigan namin," ang mensahe ni Janus kay Dominic.

Read also

Janus Del Prado, kailanma'y 'di raw siniraan si 'J': "Sobrang taas ng respeto ko sa erpats niya"

Mapapanood ang kabuuan ng pahayag kay Janus sa YouTube channel ni Ogie Diaz:

Dating contract artist ng Star Magic si Janus Del Prado. Nagkasama sila ng ipinagtatanggol niyang kaibigan na si Bea Alonzo sa ilang mga pelikula tulad ng One More Chance, na pinagbidahan ng aktres, katambal si John Lloyd Cruz, noong 2007. Magkasama rin sina Bea at Janus sa Four Sisters and a Wedding noong 2013.

Gumagawa ng ingay si Janus kamakailan dahil sa patuloy na pagtatanggol niya sa malapit na kaibigang si Bea Alonzo sa nakarelasyon nitong si Gerald Anderson.

Marami ang naging pasabog ni Janus sa interview sa kanya ni Ogie Diaz at isa na rito ang sinasabing 'milagro' na namagitan sa tinawag niyang sina 'G' at 'P' na nabanggit na rin niya sa isa sa kanyang mga trending na post.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel