Ethel Booba at Wilbert Tolentino, nagkausap at nagkaayos na

Ethel Booba at Wilbert Tolentino, nagkausap at nagkaayos na

- Nilinaw nina Ethel Booba na nagkausap na sila ng kanyang kaibigang si Wilbert Tolentino

- Kaugnay ito sa kontrobersiyal na TikTok video na kanilang ginawa kasunod ng naudlot na pagkikita sana nila ni Madam Inutz matapos nilang puntahan ito sa kanilang bahay

- Aminado ang dalawang kampo na sumama ang kanilang loob sa nangyari ngunit nagkaayos at nagkausap na umano sila

- Hiling din ni Wilbert na tigilan na ang bashing sa magkabilang kampo at nagkaayos naman na sila

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matapos ang ilang araw na naging usap-usapan ang nakakaintrigang TikTok video ng kampo ni Ethel Booba, nagsalita ito sa pamamagitan ng isang video na kanyang ibinahagi sa kanyang YouTube channel.

Ethel Booba at Wilbert Tolentino, nagkausap at nagkaayos na
Ethel Booba (@ethelbooba)
Source: Instagram

Sa kabila ng mga nangyari, aminado si Ethel na nasaktan siya ngunit nagkausap na umano sila ni Wilbert Tolentino at nagkaintindihan na sila. Minabuti na lamang umano niyang ibahagi ang kanyang panig dahil nahuhusgahan siya ng ibang tao kaugnay sa isyu.

Read also

Janus Del Prado, 'di magso-sorry sa naidamay niyang si 'P'; "Yun yung totoo e"

Sa kanyang live video ay sinabi din ni Wilbert na nagkausap na sila ng kanyang kumare at hiniling niyang sana ay itigil na ang pambabash sa magkabilang kampo at asana ay magsilbing lesson na lang umano ang nangyari para kina Ethel.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang nag-ugat ang isyu sa TikTok vidoe ni Ethel kung saan tila may pinapasaringan sila. Ayon sa kanilang mga kwento ay pumunta sila Ethel sa bahay ni madam Inutz ngunit hindi natuloy ang kanilang pagkikita dahil hindi na lumabas si Madam Inutz.

Ayon naman sa manager nito, may pinapakabisado siya kay Madam Inutz kaya bawal umano siyang maistorbo pansamantala.

Si Ethel Gabison ay kilalang komedyante at singer. Siya ang tinanghal na kauna-unahang kampiyon ng Tawag ng Tanghalan: Celebrity Edition.

Kaya naman umalma siya nang akusahan siyang ginamit lamang niya ang ABS-CBN kasunod ng kanyang paglabas ng saloobin laban sa Kapamilya network.

Read also

Wilbert Tolentino, kinontra ang pahayag ng kampo ni Ethel Booba na wala silang balak mag-vlog

Naging usap-usapan din kamakailan ang kanyang kakaibang mga halaman sa loob ng bahay. Kagaya ng ibang mga plantita, ibinahagi niya ang kanyang mga tanim kagaya ng talong, malunggay at iba pang gulay.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel