Sharifa Akeel, nagbahagi ng kanyang mensahe para sa kanyang asawa

Sharifa Akeel, nagbahagi ng kanyang mensahe para sa kanyang asawa

- Sa kauna-unahang pagkakataon ay ibinahagi ng beauty queen na si Sharifa Akeel ang kanyang mensahe para sa kanyang mister na si Rep. Esmael ‘Toto’ Mangudadatu

- Ito ay matapos ganapin ang kanilang pagpapakasal nito lamang August 25 sa Ar Nor Hotel and Convention Center sa Cotabato City

- Matagal nang naging usap-usapan ang tungkol sa kanilang relasyon ngunit noong una ay itinanggi ni Akeel ang tungkol sa kanilang relasyon

- Bumuhos naman ang pagbati para sa dalawa mula sa ilang malalapit na kaibigan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos nga lumabas ang balita ng naganap na kasalan ni Sharifa Akeel kay Cong. Esmael ‘Toto’ Mangudadatu, sa kauna-unahang pagkakataon ay nagbahagi ng kanyang mensahe ang beauty queen.

Sharifa Akeel, nagbahagi ng kanyang mensahe para sa kanyang asawa
Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel (@sharifaakeel)
Source: Instagram

Aniya, sa kabila ng hirap na pinagdaanan nila ay pinagtagpo sila ng tadhana.

The road that led me to you was not easy. No matter how hard I tried to fight it, no matter how much others wanted to fight it, fate wanted us to be together.

Read also

Dating OFW na may iba't ibang raket para makapag-aral, college graduate na

Aniya, naroroon lang para sa kanya si Cong. Mangudadatu sa loob ng anim na taon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

When I realized and then accepted that, love and happiness filled my life, and I realized that YOU, who has been there for the past 6 years, was all that I was missing.

Hindi niya ikinailang excited siya sa bagong yugto ng kanyang buhay kasama ang kanyang asawa.

Si Sharifa Akeel ay isinilang sa Lebak, Sultan Kudarat at may dugong Qatari at Filipino. Siya ang napili mula sa 50 kalahok sa Mutya ng Pilipinas 2018 bilang Mutya ng Pilipinas - Asia Pacific International 2018.

Kinoronahan siya bilang Miss Asia Pacific International 2018 sa New Performing Arts Theater, Resorts World Manila noong October 4, 2018. Siya ang ikalimang Pinay na nakasungkit ng korona sa Miss Asia Pacific International.

Read also

Rebel Wilson ng pelikulang Pitch Perfect, usap-usapan dahil sa kanyang transformation

Matatandaang nadawit sa kontrobersiya si Sharifa matapos siyang akusahan bilang kalaguyo ng isang politiko. Agad namang tinuldukan ng beauty queen ang nasabing isyu.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate