Gardo Versoza, hindi ikinahiyang naglalaba siya para tulungan ang kanyang misis

Gardo Versoza, hindi ikinahiyang naglalaba siya para tulungan ang kanyang misis

- Umani ng papuri ang aktor na si Gardo Versoza dahil sa kanyang post sa Instagram kung saan makikita ang sinampay at mga damit na nilabhan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Aniya, hindi dapat ikahiya ng mga lalaki kung sila ang naglalaba dahil para sa kanya "real men do the laundry"

- Sa kabila ng kanyang mga ginagampanang mga tigasing karakter sa pelikula at mga teleserye, hindi ikinahiya ng aktor ang kanyang mga ginagawa para sa kanyang asawa

- Kinakaaliwan din ang kanyang mga TikTok videos kung saan nagsusuot siya ng mga high heels

Umani ng mga papuri ang isang post ni Gardo Versoza sa Instagram kung saan pinakita niyang hindi niya ikinakahiya na siya ay naglalaba. Marami sa mga netizens ang humanga sa kanyang pagiging mabuting asawa sa kanyang misis.

Gardo Versoza, hindi ikinahiyang naglalaba siya para tulungan ang kanyang misis
Gardo Versoza (@gardo_versoza)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Dating OFW na may iba't ibang raket para makapag-aral, college graduate na

Aniya, never be ashamed of doin d laundry ,, real men do d laundry"

Kapansin pansin din ang kanyang hashtags na, #stayhome #stayfit #staypositive #makethewifehappy at #servethefamily.

Narito ang reaksiyon ng ilang netizens:

True cupcake... c hubby ko rin he does the laundry, removes the stain pa. My Dad did too when he was still alive. Perfect role model po ang mga gaya nyo para sa mga daughters out there.
Wow! proud of you swerte naman si wifey niyo po sir. Kaya love ka namin @gardo_versoza... You're the man!
Hala sampay pa more cupcake lalong hanga sa yo my lodi matchete super bait

Si Gardo Versoza ay nakilala sa kanyang husay sa pag-arte. Ilan sa kanyang mga naging pelikula ay Sabik Sa Halik, Machete II, Halimuyak Ng Babae at Kirot.

Samantala, sa naunang ulat ng KAMI, naging usap-usapan ang Instagram post ng aktor matapos siyang makita kasama ang ilan sa cast ng teleserye ng GMA noong kakatapos ng kanyang serye sa ABS-CBN.

Read also

Rebel Wilson ng pelikulang Pitch Perfect, usap-usapan dahil sa kanyang transformation

Kamakailan ay kinagiliwan ang TikTok videos nila ng mga kasamahan niya sa trabaho kabilang na si Popz Fernandez at Ella Cruz.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel