OFW na namatayan ng ina, sinibak ng employer nang humiling ng day-off
- Isang OFW ang bigla na lamang sinibak ng kanyang amo nang magpaalam siyang mag-day-off
- Apat na buwan niyang tiniis na wala siyang araw ng pahinga kaya nang kinailangan niya ito inakala niyang papayagan siya agad ng employer
- Sa kasamaang palad, imbis na bigyan lang ng araw para mamahinga, pinauwi na siya ng Pilipinas
- Sa tulong ng kapwa niya mga OFW, nakahanap muna siya ng bagong mapapasukan para sigurado siyang mayroon pang babalikang trabaho
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nadurog ang puso ng marami sa sinapit ng OFW na si Rose Suarez na biglang nawalan ng trabaho nang humiling lamang siya ng 'rest day.'
Nalaman ng KAMI na apat na buwang walang day off si Rose. Sa kabila nito, hindi naman siya nagreklamo at patuloy na nagtrabaho.
Sa post ng Kwentong Pinoy, naibahagi ni Rose na sa 'di inaasahang pagkakataon ay pumanaw ang kanyang ina. Doon, lakas loob na siyang nagpaalam sa amo na magbakasyon para sana ipagluksa ang pagkamatay ng ina.
Laking gulat ng OFW na imbis na payagan, ay bigla na lamang siyang tinanggal sa trabaho at binilhan ng tiket pabalik sa Pilipinas.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Dalawang taon sana ang itatagal niya sa amo ngunit dahil lamang sa hiling na bakasyon, agad siyang nawalan ng hanapbuhay.
Sa tulong ng mga kapwa OFW ni Rose, humanap muna siya ng bagong employer upang mayroon na siyang babalikan matapos na makapagluksa sa ina.
Tinulungan din siya ng mga ito na makahingi ng tulong sa Hong Kong Labour Department para sa sahod na hindi na nakuha pa ni Rose sa amo.
Masasabing matindi talaga ang sakripisyo ng mga overseas Filipino workers dahil ang mawalay pa lamang sa kanilang mga mahal sa buhay ay sadyang napakahirap na.
Tulad ni Rose, isang OFW ang naiulat din ng KAMI na nagmaakaawa na iksian ang kanyang quarantine period para sana'y makaabot pa sa burol ng nasawing anak.
Graduating student na sana ang anak ng OFW na si Rosamil nang biglang may mamuong dugo sa ulo nito na naging dahilan ng agaran nitong pagpanaw.
Nakauwi naman agad sa Pilipinas si Rosamil subalit dahil may pandemya kinailangan pa niyang mag-quarantine.
Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Source: KAMI.com.gh