RR Enriquez, hindi pinalampas ang paninisi sa kanya sa pagbitiw ni Lolit Solis bilang manager ni Mark Herras

RR Enriquez, hindi pinalampas ang paninisi sa kanya sa pagbitiw ni Lolit Solis bilang manager ni Mark Herras

- Matapos iabahagi ni RR Enriquez ang tungkol sa kanyang saloobin hinggil sa isyung pagbanggit ni Lolit Solis ng tungkol sa pangungutang ni Mark Herras sa kanya, lalong naging usap-usapan ang isyu

- Marami rin ang naghayag ng kanilang opinyon at bumatikos sa talent manager ni Mark

- Kasunod nito ay isinapubliko ni Manay Lolit ang kanyang pagbibitiw bilang talent manager ni Mark

- Sinagot naman ni RR ang isang netizen na tila siya ang sinisisi sa pagbitiw ni Manay Lolit bilang manager ng aktor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Diretsahan at matapang ang naging pahayag ni RR Enriquez kaugnay sa isyung aniya'y pamamahiya ni Lolit Solis kay Mark Herras sa pamamagitan ng pagsasapubliko ng pangungutang ni Mark Herras sa kanya ng 30,000.

RR Enriquez, hindi pinalampas ang paninisi sa kanya sa pagbitiw ni Lolit Solis bilang manager ni Mark Herras
RR Enriquez (@rr.enriquez)
Source: Instagram

Kasunod ng Instagram post ni RR ay kapansin-pansin ang pagdami ng mga nangbatikos kay Manay Lolit at kinalaunan ay nagpasya siyang bumitiw bilang manager ni Mark.

Read also

Wilbert Tolentino, inilatag na ang mga projects ni Madam Inutz; "Gagawan namin siya ng album"

Sa kanyang Instagram post, isang netizen ang tila nanisi kay RR sa naging desisyon na ito ni Manay Lolit.

Ano RR saya ka na binitiwan na ni Lolit si Mark? Siguraduhin mo na sumikat ulit si Mark ha, at suportahan mo anak nya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Agad naman itong sinagot ni RR gamit ang sikat na linya ng karakter ni Bea Alonzo na si Bobbie sa pelikulang Four Sisters and a Wedding.

Bakit parang kasalanan ko? -Basha-

Si RR Enriqez ay sumikat bilang dating Kapamilya artist. Naging bahagi siya ng iba't-ibang palabas sa ABS-CBN kagaya ng noontime show na Wowowee at comedy show na Banana Split hanggang lumipat siya sa ibang estasyon noong 2014. Kinalaunan ay tumigil na rin siya sa pag-aartista upang mabigyan ng panahon ang kanyang negosyo.

Read also

Vlogger na sina Mariano G at Cindy, dedma sa bashers; kumuha pa ng sarili nilang tirahan

Bilang isang dating Kapamilya artist, nagbahagi siya ng kanyang pakikisimpatya sa pagkakabasura ng franchise renewal ng ABS-CBN.

Kasalukuyan niyang karelasyon ang sikat na basketbolistang si Jayjay Helterbrand ng koponang Barangay Ginebra. Bukod sa mga negosyo ay nakapundar na rin sila ng kanilang bahay.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel