Viral delivery rider na bakal ang isang binti, hinangaan ng marami
- Umani ng papuri ang isang delivery rider na matiyagang nagtatrabaho kahit bakal na ang isang binti
- Ibinahagi ng isa sa kanyang naging customer ang kanyang kalagayan dahil maging ito ay humanga sa kasipagan ng rider
- Hirap man sa pagtayo at minsa'y mabibigat pa ang naide-deliver, hindi raw kakikitaan ng pagrereklamo ang rider
- Hangad ng marami ang kaligtasan ng rider na sa kabila ng kalagayan ay hindi inurungan ang paghahanapbuhay
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nag-viral ang isang delivery rider na nakilalang si 'Tatay Rodrigo' dahil sa kasipagan niya sa kabila ng pagkakaroon ng bakal na binti.
Nalaman ng KAMI na ibinahagi ng isa sa kanyang mga naging customer kamakailan na si Charmaine Germono na may Facebook name na 'Avril Avril Avril' ang kalagayan ni tatay Rodrigo.
Ayon kay Avril, nagulat sila nang makitang bakal na lamang ang kaliwang binti ng rider ngunit patuloy pa tin sa paghahanapbuhay.
"Saludo ako sayo tatay kahit na ganyang kalagayan mo hirap ka maglakad diretso kpa din sa pag tatrabaho, kng mapapansin nyo po bakal po ang kaliwang side ng paa ni tatay"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Napansin din umano ni Avril na hirap nang tumayo ang rider. Minsan din tulad nang kanyang pina-deliver ay mabigat ngunit hindi raw mababakas ang pagrereklamo kay tatay Rodrigo.
Umani rin ng papuri ang rider sa mga netizens na hangad ang kaligtasan niya sa kalsada. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Ito dapat ang mga klase ng taong tinutulungan kahit hindi humihingi. Saludo kami sa'yo tay!"
"Inspiring at dapat talagang tularan. Hangga't kaya, tuloy lang ang buhay."
"Sana matulungan si tatay sa anumang paraang pwede. Ang tulad niya dapat ang binibiyayaan dahil sa kanyang kasipagan"
"Anong karapatan nating magreklamo kung ang tulad niya e nagagawa pang makipagsapalaran sa kalsada. Nakaka-inspire po kayo tatay Rodrigo"
"Vary Good tatay Rodrigo. Maging ehemplo po sana tayo sa ilang kababayan natin na reklamo muna bago gawa"
Narito ang kabuuan ng post:
Itinuturing na frontliners din ang mga delivery riders ngayong pandemya. Lalo na ngayong Sumasailalim na naman sa enhanced community quarantine ang ibang lugar, marami ang aasa muli sa iba't ibang uri delivery services.
Subalit sa kasamaang palad, nadadalas na rin ang panloloko ng iba nating mga kababayan sa mga delivery riders dahil sa mga fake orders.
Ang ilan, hindi rin nakakaligtas sa panganib sa kalsada ngunit nagagawa pa ring i-deliver ang order sa kanila.
Tulad ng isang delivery rider na matapos maaksidente, dumiretso pa rin sa kanyang customer para ihatid ang pagkain nito. Dinagsa ng tulong ang matapat at dedikadong rider na ito.
Source: KAMI.com.gh