Rudy Baldwin, ipina-Tulfo ng dating manager at isang dating customer

Rudy Baldwin, ipina-Tulfo ng dating manager at isang dating customer

- Nakarating na sa programa ni Idol Raffy Tulfo ang tungkol sa reklamo ng ilang mga naging kustomer ni Rudy Baldwin

- Maging ang dati niyang manager na si Elzen Estores ay nagsalita din sa umano'y pambubudol sa kanya ng psychic

- Ibinahagi ni Elzen ang lahat ng umano'y pambubudol sa kanya na umabot pa sa puntong binenta niya ang kanyang sasakyan at mga alahas

- Ito ay sa kadahilanang sinabi umano ni Rudy na magugunaw na ang mundo at kailangan niyang tumulong sa mga tao

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Maging sa programa ni Raffy Tulfo ay nakarating ang ilan sa nagrereklamo sa psychic na si Rudy Baldwin. Isang ginang na kasalukuyang nasa ibang bansa ang humingi ng tulong sa programang Raffy Tulfo in Action dahil sa umano'y pangloloko sa kanya.

Rudy Baldwin, ipna-Tulfo ng dating manager at isang dating customer
Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Ang dating manager ni Rudy na si Elzen Estores ay nagsalita din laban sa psychic. Kabilang umano sa nangyari sa kanya ay nagbenta siya ng sasakyan at alahas dahil ito umano ang sinabi sa kanya ni Rudy na dapat niyang gawin dahil magugunaw na ang mundo.

Read also

Ogie Diaz, humanga sa kwento ng buhay ni Madam Inutz; "Nakakatuwa ka!"

Ang perang kanyang nakuha sa kanyang binentang sasakyan at alahas ay itinulong niya sa mga tao. Dagdag pa niya, March 2020 umano sinabi sa kanya ni Baldwin na magugunaw ang mundo.

Naibahagi din niyang nasikmura niyang uminom ng tubig na umano ay may laway ni Rudy. Ito umano ay para sa pantanggal ng kanyang stress.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon naman kay Atty. Gareth Tungol, may pananagutan si Rudy Baldwin sa batas basta mapatunayang nanghula ito at nagpabayad o tumanggap ng bayad.

Si Rudy Baldwin ay sumikat sa social media dahil sa kanyang ibinabahaging mga premonisyon at vision sa kanyang Facebook page. Kamakailan nga ay naging mainit na usapin ang tungkol sa kanyang mga vision matapos siyang punahin dahil pawang mga negatibo umano ang kanyang ibinabahaging hula.

Kabilang si Xian Gaza at ang kanyang dating manager sa nagsalita laban sa kanya. Hindi niya ito pinalampas at nagbahagi siya ng mensahe para sa mga taong bumabatikos sa kanya.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel