Ina ni Heaven Peralejo, di pinalampas ang basher ng anak

Ina ni Heaven Peralejo, di pinalampas ang basher ng anak

- Di pinalampas ng ina ni Heaven Peralejo na si Luanne Peralejo ang isang basher na nagbahagi pa ng attachment na aniya ay fake news

- Hindi din pinalampas ng mommy ng aktres ang pag-tag nito sa anak niya gayong di totoong pangalan at picture ang gamit ng nasabing basher

- Matatandaang naging usap-usapan kamakailan ang pagtanggol nito sa anak at paghamon niya kay DJ Chacha na pangalanan ang kanyang tinutukoy sa kanyang Tweet

- Umani ng pambabatikos ang katres kamakailan matapos nilang isapubliko ni Kiko Estrada ang tungkol sa kanilang relasyon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kabila ng mga batikos sa kanyang anak, pinatunayan ng mommy ni Heaven Peralejo na si Luanne Peralejo na kayang-kaya niyang harapin ang mga bumabatikos sa anak.

Matapos nga ang kanyang naging patutsada kay DJ Chacha kaugnay sa tweet nito, isang basher rin ang kanyang sinagot.

Read also

Vlogger na si Via Austria, emosyonal na inamin ang problema sa pamilya; "naligaw ako"

Ina ni Heaven Peralejo, di pinalampas ang basher ng anak
Heaven Peralejo (@heavenperalejo)
Source: Instagram
Ikaw ang nakakahiya kasi d ka nagche check kung tama ang pinagkukunan mo ng information. Hindi totoo ito. Puro ka mention sa anak ko. Malakas lang loob mo kasi Twitter mo d mo totoong picture at name.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matapos ang kanyang naging tugon, binura na ng nasabing basher ang kanyang tweet.

Narito ang reaksiyon ng mga netizens kaugnay sa isyu:

Magiging nanay din kayo. Tignan lang natin kung anong gagawin nyong pagtatanggol sa mga anak nyo. And i dont believe na may agawan na nangyari. Bash me now. Dyan kayo magaling.
Maiintindihan mo naman si mother kapag naging nanay ka na. Hindi mo hahayaang madehado ang anak mo.

Ang aktres na si Heaven Peralejo ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos niyang maging bahagi ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 kung saan nakilala siya sa bansag na Mommy's Angel of Makati . Pamangkin siya ng mga dating aktres na sina Rica Peralejo at Paula Peralejo. Minsan na siyang naiugnay sa anak Nina Manny at Jinkee Pacquiao na si Jimuel.

Read also

Ogie Diaz, aminadong nasaktan sa mga fans noon ni Charice Pempengco

Gayunpaman, nagkahiwalay silang dalawa matapos nilang aminin ang kanilang relasyon noong 2019.

Samantala, ipinagtanggol ni Jimuel si Heaven kaugnay sa lumabas na isyu at sinabing walang katotohanan na binigyan umano ng kanyang ina ng pera si Heaven.

Nauna nang pinabulaanan ni Heaven na siya ang dahilan ng paghihiwalay ni Kiko at ex-girlfriend nitong si Devon Seron.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel