Binatilyong sumagip sa asong nasa ilog, nabigyan ng scholarship at bagong smartphone
- Nabiyayaan ang binatilyong sumagip sa asong inanod na sa ilog
- Maririnig umano sa viral video ang panaghoy ng aso habang nilalapitan ito ng binatilyo
- At nang masagip na ang aso, nagsigawan at halos magpalakpakan ang mga nakakita at mga nakakuha ng video
- Dahil sa kabayanihang ginawa niya sa pagtulong sa aso, nabigyan siya ng scholarship at bagong smartphone
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Marami ang humanga sa kabayanihang ginawa ng binatilyo na si Angelo Flores na buwis-buhay na sumagip sa asong inanod na ng ilog.
Nalaman ng KAMI na nag-viral ang video na kuha ni Margole Miko Ilagan kung saan makikita ang kabayanihan ni Angelo.
Mapapansing mapanganib din kay Angelo ang kanyang ginagawa na kung mapamali lamang ang kanyang kapit o kung siya ay madulas, maari rin niya itong ikapahamak.
Ngunit nang malapit na siya sa asong kanyang sasagipin, maririnig ang panaghoy nito na animo'y humihingi talaga ng tulong.
Inamo muna ni Angelo ang aso upang hindi rin siya nito saktan at maayos niya itong masagip.
Makalipas lamang ang ilang minuto, naisampa na ni Angelo ang aso sa pader mula sa rumaragasang tubig sa ilog.
At dahil sa pagmamalasakit niyang ipinamalas sa aso, sinadya pa talaga siya ng Animal Kingdom Foundation upang bigyan ng surpresa.
"Today we delivered the gifts for Angelo and his family," ang bahagi ng post ng nasabing foundation na nagbigay ng scholarship, grocery items at bagong smartphone kay Angelo.
"Truly, good karma comes to those who are kind to animals. Thank you, Angelo. You are an inspiration to everyone!"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang video ng pagsagip ni Angelo sa aso na naibahagi rin ng GMA News:
Nakatutuwang isipin na mayroon talagang mga tao na nagpapakita ng labis na pagmamalaskit sa mga hayop.
Kaya naman ang mga hayop tulad ng aso ay nagpapakita rin ng dedikasyon sa mga nag-aalaga sa kanila.
Tulad na lamang ng minsan nang naibahagi ng KAMI tungkol sa isang aso na kahit namayapa na ang kanyang amo ay bumabalik-balik pa rin ito sa lugar kung saan madalas niya itong hintayin.
Hinangaan din ang isang aso na nagawang sumunod sa kanyang amo na dinala sa ospital. Matiyaga rin itong nag-abang hanggang sa makalabas ng pagamutan ang amo.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh