Vlogger na si Mika Salamanca, naglabas ng hinaing sa pagkakabangga sa kanyang sasakyan
- Ibinahagi ng vlogger na si Mika Salamanca ang sinapit ng kanyang bagong sasakyan matapos siyang mabangga ng motor
- Aniya, yung driver ng motor na nakabangga sa sasakyan niya ay walang lisensiya
- Walang din umanong suot na helmet yung angkas at walang plate number at I.D at lasing din umano ang mga ito
- Ikinasama ng loob niya na bagong-bago pa ang sasakyan niya ngunit iyon ang sinapit dahil sa nagmamaneho ng lasing
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ibinahagi ng vlogger na si Mika Salamanca ang sinapit ng kanyang bagong sasakyan. Aniya, alas 3 ng madaling araw ng mabangga ng isang motorsikto ang sasakyan niya.
Ang masaklap ay lasing umano ang driver at wala din umanong plaka at ID. Ang angkas naman umano nito ay walang suot na helmet.
3am po nung nabanga car ko ng isang motor. Yung driver is walang license, walang helmet yung angkas, walang plate number and I.D! LASING! Please, if lasing kayo wag na kayo mag maneho kase nakakadamay pa kayo ng ibang tao! Super heart breaking, kaka labas lang ng car ko, kaka reveal ko lang SAD!
Nakatakdang ilabas ni Mika ang buong kwento kaugnay sa pangyayari.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa pagdami ng gumagamit ng social media, unti-unting naiba ang libangan ng karamihan. Kung noon ay pagiging artista ang daan upang sumikat, mas marami ang nabibigyan ng pagkakataon dahil sa social media.
Marami sa mga social media personalities ang sumikat sa kanilang mga ginagawang YouTube videos. Sa katunayan, ilan sa mga sikat na artista sa telebisyon ay pinasok na rin ang paggawa ng videos. Kabilang sina Toni Gonzaga, Alex Gonzaga at Ivana Alawi sa mga artistang may maraming subscribers sa YouTube channel nila sa kasalukuyan.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh