Ivana Alawi, kasama sina Daniel Matsunaga at Daiana Menezes sa kanyang trip sa Cebu

Ivana Alawi, kasama sina Daniel Matsunaga at Daiana Menezes sa kanyang trip sa Cebu

- Sa pinakabagong vlog ni Ivana Alawi, pumunta siya sa Cebu kasama ang kanyang kapatid at ilang katrabaho

- Ang hindi inaasahan ng marami ay nang makita nila sina Daniel Matsunaga at Daiana Menezes na kasama ni Ivana

- Nagpasalamat si Ivana sa dalawa sa pagsama raw ng mga ito sa kanyang trip sa Cebu

- Ngunit nilinaw niyang magkaibigan lamang daw ang dalawa at huwag gawan ng anumang isyu

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng aktres na si Ivana Alawi ang kanyang naging trip sa Cebu kasama ang kanyang kapatid na si Hash Alawi at ilan sa kanilang mga katrabaho.

Nalaman ng KAMI na hindi naisama ni Ivana ang kanyang Mama Alawi at ang isa pang kapatid na si Mona dahil trabaho talaga ang ipinunta niya roon.

Subalit ang hindi umano inaasahan ng lahat ay nang ipakita ang iba pang mga kasama ni Ivana.

Read also

Hash Alawi, isinuot ang pantulog ng kapatid na si Ivana: "I have nothing!"

Ivana Alawi, kasama sina Daniel Matsunaga at Daiana Menezes sa kanyang trip sa Cebu
Photo: Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Ito ay ang model-actor na si Daniel Matsunaga gayundin ang actress at singer na si Daiana Menezes.

Masayang nakipagkulitan ang dalawa kina Ivana. Katunayan, super enjoy ang personal assistant ni Ivana nang samahan siya ni Daniel na mag-jetski.

Bago matapos ang video, nagpasalamat si Ivana sa dalawa sa pagsama ng mga ito sa kanyang Cebu trip.

Ngunit agad niyang nilinaw na magkaibigan lamang ang mga ito at huwag na raw gawan pa ng anumang isyu.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Ivana Alawi YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa 13.6 million ang kanyang YouTube subscribers.

Read also

Maria Hofs, binigyan si Marjorie Abastas ng pera bukod pa sa bayad niya

Kamakailan ay nagbasa sila ng kanyang kapatid na si Mona ng mga umano'y mean comments sa kanila. Isa na rito ang komento kay Ivana na kamukha raw niya ang singer at komedyante na si K Brosas. Para kay Ivana, hindi naman ito mean comment at binati pa niya si K sa kanyang vlog.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel