Hash Alawi, isinuot ang pantulog ng kapatid na si Ivana: "I have nothing!"

Hash Alawi, isinuot ang pantulog ng kapatid na si Ivana: "I have nothing!"

- Napilitang isuot ni Hash Alawi ang T-shirt ng kapatid na si Ivana Alawi

- Ang kanya namang shorts na suot ay pahiram sa kanya ng videographer na kasama nila sa Cebu

- Sinabing nawala umano ang maleta ni Hash nang magpunta sila kamakailan sa Cebu

- Mabuti na lamang at mahilig sa maluluwag na shirts bilang pantulog si Ivana

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ikinuwento ni Ivana Alawi sa kanyang pinakabagong vlog ngayong Agosto 5 ang insidente kung saan nawalan umano ng maleta ang kapatid niyang si Hash Alawi.

Nalaman ng KAMI na kasama ni Ivana ni Hash sa Cebu dahil sa trabaho. Subalit sa kasamaang palad, nawala ang maletang naglalaman ng mga damit nito.

Hash Alawi, isinuot ang pantulog ng kapatid na si Ivana: "I have nothing!"
Photo: Hash Alawi (Screengrab from Hash Alawi YouTube channel)
Source: UGC

Kaya naman nang magpunta sa beach sina Ivana, suot ni Hash ang t-shirt na pantulog ni Ivana.

Samantala, ang shorts naman na suot ni Hash ay pahiram sa kanya ng videographer nilang kasama.

Read also

Ivana Alawi, kasama sina Daniel Matsunaga at Daiana Menezes sa kanyang trip sa Cebu

Mabuti na lamang daw talaga at mahilig si Ivana sa maluluwag na T-shirts bilang pantulog kaya nagkasya ang kanyang damit sa kapatid.

Mapapanood ang kabuuan ng video sa YouTube channel ni Ivana Alawi:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Hash Alawi ay isa sa mga kapatid ng actress at YouTube star na si Ivana Alawi. Matapos na makita sa ilang mga vlogs ni Ivana, nagkaroon na rin ng sariling YouTube channel si Hash kung saan mahigit na sa isang milyon ang kanyang mga subscribers.

Nang makaabot siya ng one million subscribers sa YouTube, naisipan ni Hash na mamahagi ng mga smartphones at tablet na maaring magamit ng mga estudyante sa kanilang online class.

Sa isang vlog ni Ivana, naisahan na naman siya ni Hash kung saan nauwi sa prank ang dapat sana'y 'who's gonna pay challenge' nilang magkapatid.

Read also

Vlogger, makulit na sinakyan ang mga komentong kamukha raw niya si Ej Obiena

Gayunpaman, isa pa muling prank ang ginawa nila kay Hash kung saan hindi nila ito pinansin for 24 hours para lamang surpresahin ito ni Ivana ng mamahaling motorsiklo na gustong-gusto raw nito.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel